KABOGERA talaga si Heart Evangelista sa katatapos na GMA Gala 2023.
Kinabog niya ang lahat sa kanyang outfit na mula sa Schiaparelli Haute Couture Spring Summer 2023 collection.
Ang nakakaloka, milyones pala ang suot niyang necklace at ring.
Sa isang report sa Instagram, sinabing nagkakahalaga ang @bulgari Serpenti Diamond and Ruby Yellow Gold Serpenti Necklace na suot ni Heart ng $410,000.
Bukod pa dito ang @bulgari Serpenti Ruby and Diamond Serpenti Ring na nagkakahalaga ang $110,000.
Hindi rin naman siya nagpatalbog sa kanyang footware na isang @louboutinworld Highness Platform Heels worth $1,200.
Sinasabing worth P28 million ang total na halaga ng suot ni Heart for the event.
So, talbog silang lahat sa kasosyalan ni Heart, ‘di ba?
Presyo na iyon ng isang high-end condo o kaya naman ay isang bonggang house and lot sa isang exclusive subdivision.
Iba ka talaga, Heart!
Nag-iisa ka. Hindi ka nila kayang talbugan. Hindi pa ipinapanganak ang tatalbog sa iyo. Ikaw na!
RELATED STORIES
Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?
Heart Evangelista, Kaladkaren, Karla Estrada, Isabelle Daza ‘spotted’ sa ika-2 SONA ni PBBM
Heart Evangelista super thankful kang Chiz Escudero: You are indeed the best!