Life! Showbitz

Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?

TRULILI nga ba ang chika na may “attitude” raw ang Kapuso actress na si Heart Evangelista kaya siya nilayasan ng kanyang dating glam team?

Isa kasi sa mga naging topic sa latest “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ang mga naganap sa GMA Gala 2023 at kasabay no’n ay ang kwentuhan nila ukol sa mga kasa-kasama ng aktres sa tuwing siya ay may mga rampa.

Hindi na raw kasi nakikitang kasama ni Heart sina Justin at Jecka na siyang nag-aayos at nagme-make up sa aktres.

Kuwento ni Mama Loi, “‘Yung kanyang dating glam team na sina Jecka at Justin, parang hindi na nakikita ngayon. Parang iba na ‘yung nagme-make up tsaka naghe-hair kay Heart. So tinatanong ng mga tao kung nasaan na ang dating glam team.

“E ‘yung ‘yung lagi niyang kasama sa lahat. ‘Di ba noong exclusive na mga party niya, mga intimate, andoon din ‘yung dalawa tapos ngayon wala.”

Ayon naman sa nakarating sa talent manager, “Parang hindi na nila kinaya ng ‘yung behavior or attitude ni Heart. ‘Yan ang nabalitaan ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Heart naloka sa comment ni Chiz sa kanyang Instagram post: ‘Hayop ka! Hindi toh Viber, IG toh!’

Chika pa ni Ogie, hindi raw niya alam kung may katotohanan ang nakarating sa kanyang impormasyon lalo na’t wala pang pahayag ang aktres ukol rito at hindi rin sila nagkakitaan sa GMA Gala.

Napag-usapan rin nila kung ano nga ba ang working attitude ni Heart at sey ni Mama Loi, madaling araw pa lang ay gising na siya para maghanda sa kanyang mga endorsements at kahit noog mga fashion week na dinadaluhan nito ay wala pa ang sinag ng araw ay nagre-ready na sila.

“Pero ‘yun nga ba ang dahilan? May mas malalim pa raw na dahilan. Yan ang dapat nating matuklasan at dapat nating malaman,” sey ni Ogie dahil mahirap naman daw na i-judge agad ang aktres.

Nabanggit rin ni Mama Loi ang stylist na si Kat Cruz na nawala na sa team ni Heart last year pati na rin ang naging conflict nito sa designer na si Mark Bumgarner.

In-unfollow na rin nina Justin at Jecka ang aktres at ganoon rin ang ginawa nito sa dalawa.

“Nag-iba raw ng attitude si Heart pero hindi natin alam,” dagdag pa ni Ogie.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng Kapuso actress at socialite hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Heart Evangelista, Chiz Escudero papasok na sa kanilang ‘bagong era’: Finally on the same chapter

TAGS: Heart Evangelista
Latest Stories
Most Read