MUKHANG hindi matutupad ang pinag-usapang “dream wedding” nina Bea Alonzo at Dominic Roque na mangyayari sa darating na 2024.
Kinumpirma ng Kapuso actress na next year na magaganap ang wedding nila ng kanyang fiancé pero wala pa raw silang napagdedesisyunan tungkol sa date at venue.
Sa bagong YouTube vlog ni Bea na may titulong “Tipsy Q&A (#AskBea Late Night Edition),” nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa kasal at kung bakit feeling niya hindi pwedeng mangyari ang nais niyang intimate wedding.
“Wala pa rin, wala pa kaming date but hopefully, it’s gonna be next year kasi ayaw din naman namin ng very long engagement because we don’t see the point of it because we’re sure about each other,” pahayag ni Bea.
“And siyempre hindi na rin kami mga bata, gusto na rin namin mag-start ng pamilya namin.
“So, hopefully next year, sana mag-align ang mga stars at matuloy next year,” dagdag pa ng award-winning Kapuso star.
Intimate wedding
Kung siya lang ang masusunod, intimate ang dream wedding niya pero na-realize raw nila ni Dom na napakarami nilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz na plano nilang imbitahin kaya malabo na itong matupad.
“Gusto ko talaga intimate wedding ever since I was a little girl, kapag nag-iisip kami ni Dom ng guest list pa lang, parang ang dami pala naming friends.
“Kasi si Dom extrovert siya ang dami niya talagang friends. Ang dami niyang group of friends.
“And ako, I have a small circle of friends, but outside of that circle, ang dami ko ring mga acquaintances, ang dami kong mga nakatrabaho. I’ve been in this business for 22 years.
“Ang hirap niya talagang i-dilute into a very small number. One thing I’m sure about is that it’s going to be amazing cause I’m gonna be marrying the love of my life,” paliwanag ni Bea.
Mas in love
Natanong din ang dalaga tungkol sa mga komento ng netizens na mukhang mas in love siya sa mga nakakarelasyon niya. Sey ni Bea, give na give raw talaga siya kapag nagmahal.
Last July 18 nag-propose si Dominic kay Bea habang nasa pictorial ang aktres. Parehong naiyak ang celebrity couple sa kanilang engagement.
RELATED CHIKA
Bea Alonzo engaged to Dominic Roque!
How Bea Alonzo, Dominic Roque’s romance came to be
Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque