Kris Aquino kay Mark Leviste: You are misleading people

Kris Aquino

Mark Leviste at Kris Aquino

MUKHANG hindi nagustuhan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang pagkaka-mention sa kanya ng ex-boyfriend na si Mark Leviste sa isang post.

Nitong Huwebes, November 24, nag-post sa Instagram ang Vice Governor ng Batangas tungkol sa parangal na iginawad sa kanyang anak na si Lian, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste at sa Batangas Governor na si Hermilando Mandanas.

Matapos magpasalamat sa nag-nominate sa kanyang anak bilang isa sa mga Young Leader of the Year sa Asia Leaders Award, inamin niyang masaya ang kanyang puso na siya ang tumanggap ng award ng anak dahil kasalukuyan itong nasa Amerika kasama ang bunso niyang anak at ina para mag-celebrate ng Thanksgiving kasama si Kris Aquino.

“I am very excited for Ronin and mama to spend time with the Queen at her new home and I’m also glad that C2 is reunited with Kuya Josh and Bimb. Love, love, love! THANK YOU, LORD,” sabi pa ni Mark.

Makikita naman sa comment section na nag-react si Kris sa kanyang post.

Sey ni Kris, hindi niya nagustuhan ang pagbanggit ng kanyang pangalan pati ng kanyang mga anak sa naturang post at tila pinapahiwatig ni Mark sa madla na may relasyon pa silang dalawa.

Baka Bet Mo: Mark Leviste 20 years naghintay kay Kris Aquino: ‘It’s a fairy tale come true…to end up with the girl of my dreams’

“i’m sorry, I know this isn’t my feed… but you are misleading people. Our children shouldn’t be collateral damage because i chose to end our relationship.

“They have always treated me kindly and i must commend you, because Ronin is not only intelligent but he is responsible and compassionate,” saad ni Kris Aquino.

Bagamat nagtapos na ang kanilang relasyon ay looking forward pa rin daw si Kris na makilala ang ina ng kanyang ex-boyfriend.

Chika pa ni Kris, bago pa man mag-post si Mark sa Instagram ay may mga hindi ito magandang nasabi sa kanya at dahil may pinagsamahan naman daw sila ay hindi na niya ito ibabahagi sa publiko.

READ: Kris Aquino breaks up again with Mark Leviste

“I am looking forward to meeting your mom. Marc, we shared beautiful memories and if only for that and my decision to stay private because what’s done is done, i won’t post the screenshots of your tirade against me just a few hours ago, considering I had both Dupixent & Methotrexate today.

“I remain grateful for all the time you spent trying to keep me company but I reached my end point Nov 3, 2023. May God bless you and help you fulfill all your plans and ambitions,” ani Kris Aquino.

May pa-“#NoRegrets” pa sa kanyang komento ang Queen of All Media.

Sa ngayon ay burado na ang komento ni Kris.

Matatandaang noong November 20 nang sabihin ng TV host-actress sa madlang pipol na hiwalay na sila ni Mark dahil hindi nagwo-work out ang kabilang long distance relationship.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring nasa Amerika si Kris Aquino para sa kanyang pagpapagamot.

READ: Kris tells Mark Leviste: ‘I no longer feel the need to keep communication lines open with you’

Read more...