Celebrities

Jake Zyrus napiling mag-perform sa NYC Pride March: Medyo kinakabahan kasi…

MULING ibabandera ng singer-songwriter na si Jake Zyrus ang talento ng mga Filipino sa NYC Pride March na gaganapin sa Amerika sa darating na Linggo, June 27.

Ang NYC Pride March ang isa sa pinakamalaking event sa buong mundo na ipinagdiriwang ng LGBTQIA+ community taun-taon.

Isa si Jake sa mga napili ng mga organizers para mag-perform virtually dahil hindi pa nga maaaring magtungo nang personal ang singer sa New York.

“First ko po basically na magpe-perform sa ganu’n kalaking Pride event sa ibang bansa. Siyempre nandu’n ‘yung a little bit of nervous na nararamdaman ko po.

“Kasi first time rin basically na makikita ng karamihan me as Jake Zyrus and hearing my new song and my new voice, my transition voice, but at the same time excited po. So very thankful,” pahayag ng proud transman singer sa isang panayam.

Mapapanood ang nasabing event sa ABC ngayong Linggo at umaasa si Jake na makapagbibigay ng saya at inspirasyon sa lahat ng miyembro ng LGBTQ community ang inihanda niyang performance.

“When I do this ang lagi ko pong naiisip is it’s for that someone out there na walang voice na hindi makapagsalita, na hindi makapag-come out, or surrounded by toxic environment.

“Nakikita ko po na there’s someone out there that will see this and will be like, ‘I wanna be like that someday. I want to be free like that,’” aniya pa.

Kamakailan, inamin ni Jake na patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng masasakit na salita at pagpuna sa pagiging transgender man. Hindi rin niya nagustuhan ang ginagawang pagkukumpara sa kanila ng dati niyang pagkatao bilang si Charice.

“I don’t mind if you tell me that you love my old Charice songs and know that we still listen to a train as sometimes we jam to it, you know like, you know, they can be with, I still watch my old Charice videos and kind of like, ‘Oh, yeah, I did this’ and I just kind of like watch it like in awe, you know.

“But you know when it’s an honest mistake and you also know when they say it intentionally just to, you know, like pinipikon ka or something like that. And unfortunately I see that a lot here and I experience that a lot,” paliwanag ni Jake.

Sa bago niyang kanta, ang “Fix Me”, ipinaramdam at ipinaalam niya sa kanyang supporters kung paano niya nilalabanan ang kanegahan at insecurities niya sa buhay.

“I still have that sensitive feeling na when someone tells me that I’m not good enough. I kind of have the feeling of, ‘Oh, my God. Am I not good enough, am I not worthy of love?’ or something like that.

“But my partner here (Shyre Aquino) she makes sure that that I feel my worth and she makes me feel loved and supported.

“And that’s all that matters to me. Whatever comes in my life, great things, happy ako. Blessings yan. I’m happy, I’m content,” pahayag ni Jake.

TAGS: New York
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.