HABANG umiiri si Iya Villania para sa ikatlong baby nila ni Drew Arellano na si Alana, talagang nasabi niya ang mga katagang, “Hindi na ‘to mauulit pa!”
Para kay Iya, saktung-sakto na para sa kanila ni Drew ang dalawang anak na lalaki na sina Primo at Alonzo at ang bunsong babae na si Alana Lauren. Pero inamin niyang biglang nagbago ang desisyon niya habang lumalaki ang kanilang bunso.
Kaya nang malaman nilang buntis uli siya noong January, 2022 para sa ikaapat na baby, hindi na raw sila nagulat ni Drew at talagang masayang-masaya sila at super excited uli.
“Well yung mga kids hindi nila masyadong gets except maybe si Primo (panganay na anak). Si Primo was actually hoping to have a baby sister. Very particular pa siya, ‘I want two baby sisters.’
“Si Drew naman, hindi na rin siya nagulat. Kasi parang ginusto rin namin ito. Akala kasi namin hanggang three lang kami lalo na the third turned out to be a girl,” simulang pahayag ni Iya sa isang panayam.
“I clearly remember nu’ng iniri ko si Alana, yung iyak ko, ‘Yes iniri ko siya but it was also yes hindi na ‘to mauulit pa. Finally puwede ko ng tapusin itong panganganak na ‘to dahil hindi siya madali.’
“But as we were watching them grow, lalo na with Alana’s age now nakikita namin na she’s interacting with her brothers tapos yung personality niya lumalabas.
“Naging trap, eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more. Ganu’n siya. Wala eh, the energy, the love, the joy that they bring, it’s so addictive that you just want to have more babies. Ha-hahaha! Kaya hindi na nagulat si Drew,” pahayag pa ng Kapuso TV host-actresss sa nasabing interview.
Pagpapatuloy pa niya, “Sa totoo lang, yung sa first baby you over-prepare. And then as you have the succeeding babies you realize na, ‘Ay hindi ko pala ito kailangan. Ito, hindi ko rin kailangan.’ Yung crib namin buti na lang hiniram ko lang yun kasi kay Primo ko lang siya ginamit at nagamit ko lang siya sa pictorial.
“After nu’n, I returned to sender kasi ang totoo we all sleep together so hindi namin kailangan ng crib. So yung space na yun sa kuwarto nila sayang kasi there could be added drawers or cabinet space for them rather than a crib na hindi naman gagamitin.
“Actually there’s no preparation. I’m just getting rid of what I don’t need. Kasi by now alam na alam ko kung ano yung kailangan ko lang and kailangan ko lang halungkatin ulit yung mga baby boy clothes,” kuwento pa ng misis ni Drew.
Aminado rin si Iya na talagang hindi naging madali para sa kanya ang pagiging wifey at working mommy sa panahon ng pandemya.
“The challenge was to just be limited at home kasi hindi nga makalabas lalo na nung time na yun kahit lumabas ka lang ng kalsada para umikot ng isang round, even that was not allowed.
“So we just had to keep everyone happy here at home. Buti na lang, in one way or another, the pandemic was even working to the benefit of my children because my children just love having me and Drew around. Parang kaming mga magnet.
“Kahit magsasarili kami ni Drew in one part of the unit, before you know it, parang silang may mga radar, nahahanap nila kami and they just want to hang out with us even if we’re not doing anything,” kuwento ni Iya.
“They just want to be with us. Because we’re very malambing, we like to cuddle and we like to make harutan. So if anything I think that’s something the kids got to enjoy more because of the pandemic.
“Pero siyempre nami-miss ko rin yung taking them to different places. Kasi before the pandemic I would love taking them to places like Kidzoona and all these kiddie fun active places.
“So giving them a change in scenery, isa din yun sa nakaka-happy sa amin as parents and even my angels here at home, we all needed to have like some kind of break from the regular norm here inside the house. It’s these little breaks that keep us happy and keep us sane,” paglalahad pa niya.
Salamat daw talaga at nandiyan si Drew na nagdidisiplina rin sa kanilang mga anak kapag hindi niya ito nagagawa, “We both have our moments. Actually medyo balanse. I used to think na ako yung mas disciplinarian pero kapag wala ako sa bahay at siya yung nandidito, nakikita ko na he also steps up.
“Nagpapaka-bad cop siya when he has to. So we kind of balance it out kasi minsan may mga oras din na I’m caught at a really bad time tapos mas mainitin yung ulo ko so hindi maganda na ako ang mag-handle ng isang sitwasyon.
“So when he sees that, and I really appreciate it, without me even having to say, he will be the one to step in and step up.
“Tapos kapag baliktad naman at siya yung nakikita kong mainit yung ulo tapos ako yung parang mas kalmado, then I will be the one to deal with it. So it will really depend in our household,” chika pa ng celebrity mommy.
RELATED STORIES
Drew Arellano’s daughter in hilarious sleeping while pooping photo
Iya Villania tests positive for COVID-19