Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Photos of Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

NAUNA muna ang pagpo-propose ng Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales kay 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo bago niya ito niligawan.

Ibinahagi ng binata sa publiko ang ilang detalye tungkol sa love story nila ng Pinay beauty queen at Kapuso actress na ikinakilig nga ng kanilang mga fans.

Inamin ni Jeric na bigla na lamang tumibok ang kanyang puso nang unang beses niyang makatrabaho si Rabiya sa isang episode ng “Wish Ko Lang” hosted by Vicky Morales.

Sa isang eksena ay kailangan niyang mag-propose kay Rabiya at doon na nga raw niya na-feel ang kakaibang kilig para sa dalaga.

“There was this scene nga na parang kailangan maging sweet namin, parang magpo-propose ako sa kanya so parang di kami makatingin pareho sa isa’t isa. Parang nahihiya na kinikilig,” kuwento ni Jeric sa panayam ng “24 Oras”.

At kasunod nga nito ay sinimulan na niya ang panliligaw sa Kapuso star at makalipas ang ilang buwan ay sinagot na siya ng dalaga.

Ilan sa mga qualities na nagustuhan niya kay Rabiya ay ang pagiging down to earth nito at ang pagiging religious at makapamilya.

Sa mga sweet photos na ipinost ni Jeric sa Instagram recently na may caption na, “To more memories with you @rabiyamateo I love you,” ito naman ang sagot sa kanya ng beauty queen,”Through good and bad times, Im gonna be there by your side. I love you Babe.”

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Jeric kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil sa pagrekomenda sa mga bossing ng GMA na isama siya sa cast ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na “Start-Up”.

Ayon sa aktor, napakalaking break sa kanyang career ang makasama sa isang proyekto si Alden at ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

“Nandoon ‘yung pressure, it’s a good pressure na ma-challenge ako rito sa role na ito and I’m expecting na, of course there are great actors and actresses. Dito ko matsa-challenge ‘yung sarili ko,” sey ng dyowa ni Rabiya.

Ayon naman kay Alden malaki ang tiwala niya kay Jeric at gusto lamang niyang ibalik sa ibang Kapuso stars ang ginawa sa kanya noon ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

“Kasi I was like that before. Ibalik natin ‘yung part na nag-start ako and then si Kuya Dingdong ‘yun eh. Binigyan niya ako ng chance to be able to be part of his teleseryes before.

“I’m just paying it forward, bigyan naman natin ng chance ‘yung iba. Of course this is a big project, nakikita naman natin talaga na kaya niyang gampanan ‘yung role,” paliwanag ni Alden.

Reaksyon naman ni Jeric, “I’m very overwhelmed. I will take it as a challenge and I will do my best.”

In-announce rin kamakailan ng GMA na bukod kay Jeric, makakasama rin sa cast ng “Start-Up” si Yasmien Kurdi na aminadong naadik din sa mga Korean series.

“Noong kasagsagan ng lockdown ito ‘yung pinanonood ko talaga, eh fan ako ng mga artista rito kaya talagang pinanood ko siya nang paulit-ulit.

“Kaya noong sinabi sa akin regarding the show sobrang na-excite ako. Sabi ko, ‘Talaga?’ Ginow (go) ko na talaga, hindi na ako nagdalawang-isip pa na hindi tatanggapin,” pahayag ni Yasmien.

Patuloy pang chika ng aktres, “First time kong makakasama si Bea, si Alden. First time kong makakasama si Jeric, so I’m so excited kasi it’s a new set of cast and it’s very refreshing, very new.

“Ang saya lang kasi, ang tagal ko na rin kasi silang gustong maka-work and finally, makakasama ko na sila ngayon,” dugtong pang chika ng Kapuso star.

RELATED STORIES

Love after the crown: Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo confirms relationship with Jeric Gonzales

Rabiya Mateo is now a vlogger!

Rabiya Mateo becomes only Miss U candidate with over 1 million Instagram followers

Read more...