Mga Muslim nagpiyesta sa pangunguna ni Robin sa bilangan; Mariel, 2 anak biglang umalis sa Pinas…anyare?

Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Isabella, Gabriella, Lolo Rafael at Lola May Sazon

HABANG sinusulat namin ang balitang ito kagabi, 8 p.m. ay nakasakay na sa eroplano ang mag-iina ni Robin Padilla na sina Mariel, Isabella at Gabriella kasama sina lolo Rafael at lola May Sazon patungong Spain.

Ito’y habang trending si Robin sa social media dahil nangunguna ang pangalan niya sa pagkasenador sa isinasagawang bilangan matapos ang naganap na eleksyon kahapon.

At base sa mga nabasa naming comments sa Twitter ay hindi nila gusto ang pagiging number one ng  aktor dahil mas marami raw ang higit na karapat-dapat sa kanya.

Hindi lang si Robin ang kinuwestiyon ng mga netizens dahil maging si Raffy Tulfo ay inireklamo rin nila. Bakit daw natalo pa nila si Sen. Risa Hontiveros.

Lahat ng kaganapang ito ay alam ni Mariel pero hindi siya nagbigay ng anumang pahayag, bagkus ay nagpasalamat lamang siya sa lahat ng tumulong at bumoto sa asawa.

Tinanong namin kung kasama si Binoe sa pag-alis nila patungong Spain, “Kami lang, eh,” sagot ni Mariel.

Much needed rest ang kailangan ni Mariel kasama ang dalawang anak at grandparents niya na kaagapay niyang sumuporta kay Robin nitong nagdaang kampanya.

Hindi naman binanggit ng wifey ni Robin kung hanggang kailan sila sa Spain at hindi rin kami sinagot kung susunod ang aktor sa kanila, pero baka hindi muna dahil kailangan niyang bantayan ang bilangan hangga’t hindi ito natatapos bukod pa sa anytime ay kailangan siyang kapanayamin tungkol sa mataas niyang numero.

Anyway, kung maraming lumait kay Robin dahil nasa mataas na puwesto siya ay marami ang nagtanggol at naglabas ng saloobin na masaya sila na nanalo ang idolo ng masa.

Isa na ang kapatid na Muslim na nangangalang Jessmar Berengue na taga Davao City.

Aniya, “If Robin Padilla will win, he will be the voice of our Muslim brothers and sisters in the senate. They deserve to be represented, because they were neglected for a very long time now.”

Marami ang nag-agree sa kanya pero ang iba ay umaming hindi alam ang mga ginagawa ng aktor dahil wala ngang camera at hindi nababasa sa pahayagan.

May nabasa rin kami na, “Sa mga hindi nakakaalam si Robin ang Ambassador ng peace in order sa Basilan simula pa 2015 graduate din s’ya ng Criminology with high honor at s’ya rin Ang nagpagawa ng New Bilibid Prison para lumaki ito. Meron din s’yang Foundation para sa magsasaka at mahirap na bata. Hindi natin alam kasi tumutulong s’ya ng walang camera.”

Nag-post din ang dating Kapamilya staff ng “The Buzz” na si Mikee Navarro, “Congratulations Robin Padilla kinabog ng mapagkumbaba at mabuting puso mo ang mga nagsasabing henyo sila! Mabuhay ka!”

May nagtanong kung seryoso si Mikee sa post niya at sinagot niya ng, “Oo naman, sa dami kong interview sa kanya ni minsan hindi nya ko tinanggihan, tapos naging host ko pa s’ya sa Game ng Bayan at nakita ko kung paano sya makihalubilo sa mga tao at higit sa lahat mam din ang tawag nya sa akin ‘yung respeto na ‘yun sapat na ‘yun para sa isang boto ko para kay Robin Padilla.”

Kahit nasa eroplano si Mariel ay naka-monitor pala siya sa lahat ng naglalabasan at nagpasalamat siya kay Mikee pero sinabihang hindi siya dapat magpasalamat.

“Actually di mo kailangang mag-thank you kasi di mo naman kinampanya sa akin si Kuya Robin Padilla pero gayunpaman ang s’werte ni Robin sa Pagmamahal at sakripisyo mo at naramdaman ‘yun ng milyong milyong Pilipino!”

Oo nga ‘no, ngayon ko lang din naisip hindi nga pala ikinampanya ni Mariel ang asawa niya sa amin.

Anyway, marami pang hindi nasusulat na natutulungan si Robin na ayaw din naman niya itong ipagsigawan, pero ang mga kilalang personalidad sa showbiz ay alam nila ito at kilala nila kung gaano kalaki ang puso ng aktor pagdating sa mga nangangailangan.

Kaya’t malaking hamon kay Binoe ang mga lumalait sa kanya para patunayan ang sarili kung ano ang magagawa niya pagdating niya sa Senado.

RELATED STORIES

Robin Padilla says EJK part of crime-fighting, Duterte drug war ‘most successful’

Padilla, Panelo woo Cebuanos for Senate seats

Mariel Padilla speaks of her decision to be an online live seller

Read more...