“SAAN aabot ang 5k pesos mo?”
Viral sa social media ang wedding ng mag-asawang Geejen Berlin Monreal at Jiony Jan Macabuhay ng Rizal Province.
Biruin mo, sa halagang limang libong piso na budget ay “all-in” na ang kanilang kasal mula sa civil wedding hanggang reception.
Very timely nga naman ito dahil sa patuloy na “inflation” o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ika nga ng maraming netizens sa comment section, “very practical” ang ginawa ng mag-asawa at talagang makakatipid sa gastos.
Na-interview ng BANDERA ang mag-asawa at nahingi namin ang breakdown ng kanilang total expenses.
- Marriage License Fee: P390
- Certificate of No Marriage Record (CENOMAR): P840
- Reception ‘Ellen’s Best Pares in Town’: P2500
- Wedding Ring: P999
Sa katunayan, hindi pa aabot ng P5k ang nagastos ng couple dahil ang total sa mga nabanggit ay P4,779 lamang.
Nilinaw din ng dalawa na 11 lang ang dumalo sa kanilang reception, kabilang na riyan ang bride at groom, nanay at sister ng bride, nanay at sister ng groom, dalawang ninong, isang ninang, at ang kanilang lolo at lola.
Sabi pa ng bride sa amin na hindi na rin sila gumastos sa kanyang wedding dress dahil niregalo na ito sa kanya ng kanyang ina, at siya na rin daw ang nag hair and makeup sa sarili.
Hindi rin sila gumastos para sa bridal car dahil ginamit nila ang kanilang family car at si groom na ang nag-drive nito.
Mensahe pa nina Geejen at Jiony, walang masamang maging praktikal sa pagpapakasal basta’t masaya kayo sa isa’t-isa at tunay na nagmamahalan.
“At the end of the day, ‘yun naman ang important and memorable day for both of you, so make the most out of it,” sey ng mag-asawa.
Tuloy pa nila, “Enjoy your journey, wag magpaka-stress.
“Siyempre, makikita mo kung paano yung mga galawan ng partner niyo diba.”
Nabanggit din ng mag-asawa na nag-upload na sila ng step-by-step video ng kanilang DIY wedding sa YouTube dahil marami pa rin ang nagme-message sa kanila at nagtatanong kung paano ito nagawa.
Saad pa nila, “Sa simpleng post namin na ‘yun is maraming naka-appreciate.
“May nagme-message kung paano po ‘yung ano, paano nagawa? So ‘yun ang gusto naming i-share na legit siya, legit kaming nakamura.
“Pero ‘yun nga, lagi naming sinasabi na regardless naman kung what type of wedding, kung engrande ba ‘yan, kung simple ba ‘yan or anpo pa ba ‘yan, ang mahalaga is kayo namang dalawa eh.”
RELATED STORIES
Video of delivery man stepping into a wedding party goes viral
Rain fails to stop wedding reception, hungry guests: Uwan ra na, gutom ni amo!
Viral scammed couple gets surprise reception party