VIRAL na ang paandar na regalo ng groom at bride sa Batangas para sa mga napili nilang ninong at ninang sa kasal.
Pinusuan at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga litratong ipinost nina Kevin Paulo Medrano at Graziella Caraan Tumambing sa kani-kanilang Facebook accounts.
Makikita nga rito ang mga ipamimigay nilang souvenir o ang tinatawag nilang “dulot” at “sabit” sa kanilang probinsya. Bukod sa mga cake, iba’t ibang uri ng prutas, wine at mga tray ng kakanin, ay meron pang naglalakihang pata ng baboy.
Narito ang kabuuang post ni Graziella sa kanyang FB na may pamagat na “KASALANG BATANGAS…DULOT/SABIT sa mga Ninong at Ninang.”
“Aba’y Kevin Paulo Medrano ay una at huling kasal na natin ito ha.
“Ala eh pag ika’y napaibig sa Batangueña, buti nalang at ang mister ay Batangueño rin.
“Ang aming taos pusong pasasalamat sa aming parehong pamilya at mga kaibigan sa walang katumbas na pagmamahal sa aming mag-asawa, sa lahat po ng aming nakatulong simula sa pamimili, pagaayos, at pamimigay ng aming dulot sa aming mga ninong at ninang.
“Hindi na po namin kayo maiisa-isa , kami po’y lubos na nagpapasalamat sainyong lahat. Si Lord na po ang bahala magbalik ng kindness at pagmamahal nyo samin. God bless po!” mensahe ni bride gamit ang mga hashtag na #KEVINakuranNaSiGRAZIE at
#KEVINmarrieshisGRAZIEstlove.
Narito naman ang mga nabasa naming comments mula sa mga netizens at followers ng bride.
“Makapag asawa nga ng Batangueno.”
“Mahina ang 10k na regalo dto.”
“Pag hinde ka balikbayan dka sasabitan.”
“Pangmalakasan kasalan.handa na Ang titulo ng lupa.”
“Maging praktikal n tama n konti handa at ipagpagawa n lng bahay o d kaya ay ipagnegosyo para sa hinaharap.”
“Oks lang yan tas ang bigay naman ng mga ninong at ninang nasa 100k or 500k hahahaha.”
RELATED STORIES
WATCH: Hilarious exchange of vows in a wedding in Tuburan, Cebu
Video of delivery man stepping into a wedding party goes viral
Rain fails to stop wedding reception, hungry guests: Uwan ra na, gutom ni amo!