Anne Curtis aprub na aprub sa batang dyowa ng inang si Carmen Ojales: ‘Blooming si Mama ngayon kasi may lovelife!’

Anne Curtis, Carmen Ojales at si ‘Jayde’

Anne Curtis, Carmen Ojales at si ‘Jayde’

ALL-OUT ang support ng Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis sa lovelife ng kanyang pinakamamahal na inang si Carmen Ojales.

Mismong si Anne pa ang nagpasimuno ng panunukso kay Gng. Carmen (na mahigit 60 years old) at sa boyfriend nito na nagngangalang Jayde (40) na nakabase sa Dubai, United Arab Emirates.

Masasabing May-December affair ang relasyon nina Carmen at Jayde pero mukhang tanggap na tanggap naman ito ng kani-kanilang pamilya, kasama na nga riyan ang mga anak ni Gng. Carmen na sina Anne at Jasmine Curtis.

Sa opening ng “It’s Showtime” sa March 17 episode nito, binati at pinuri ni Anne ang kanyang ina dahil super blooming daw ito ngayon dahil in love na in love.

Simulang kuwento ni Anne, ibang kaligayahan daw ang nararamdaman niya kapag ka-bonding ang pamilya. Kasunod nito ay binati nga niya ang ina na bumisita sa studio ng “Showtime” sa ABS-CBN.

Chika ng aktres, “I do things that we enjoy, ako, tulad na lang nandito yung mama ko ngayon.”

Binati rin ng iba pang co-hosts ng noontime show ang nanay ni Anne sabay kantiyaw sa pagiging active nito sa social media, lalo na sa TikTok.

Pagpapatuloy ni Anne, “Blooming si Mama ngayon. Blooming kasi si Mama ngayon, may lovelife!” Na sinundan ng malakas na hiyawan sa loob ng studio kasabay ng pangangantiyaw ng iba pang hosts ng programa.

Sa pagbaling ng camera, nahagip ang katabing lalaki ni Gng. Carmen sa audience area na naka-shades at nakasuot ng striped na long-sleeves. Kung pamilyar kayo sa naturang guy, siya ang laging kasama ng nanay ni Anne sa kanyang TikTok videos na ipinakilala niyang boyfriend.

Sa isang TikTok entry, naikuwento nina Carmen at Jayde na nagsimula ang kanilang love story social media at super proud talaga sila sa kanilang May-December love affair.

Bagamat long-distance ang kanilang relationship ay napapanatili pa rin daw nila ang init at pagiging solid ng kanilang relasyon.

In fairness, ipinakilala na rin ni Carmen si Jayde sa kanyang mga anak at botong-boto naman daw ang mga ito sa kanilang pagmamahalan.

Sa katunayan, may TikTok video rin si Carmen kung saan makikitang magkakasama ang boyfriend niyang Jayde at mga anak na sina Tom at Jasmine, with her boyfriend Jeff Ortega.

RELATED STORIES

LOOK: Anne Curtis is a ‘cool mum’ in 38th birthday shoot

LOOK: Anne Curtis, Erwan Heussaff’s daughter Dahlia spends birthday at Tokyo Disneyland

Anne Curtis spends quality time with her daughter and mom

Read more...