AMINADO ang award-winning actress na si Nadine Lustre na huminto na siya sa pagbili ng mga gamit na gawa sa mga balat ng hayop gaya ng mga bags at sapatos.
Ito raw ay parte ng kanyang pagiging vegan at hindi lang ang kanyang diet ang naapektuhan kundi pati na rin ang kaniyang mga pamimili ng mga gamit.
Sa kanyang panayam sa celebrity dermatologist na si Dra. Aivee Teo na mapapanood sa YouTube channel ng huli, walong buwan na raw isinasabuhay ni Nadine ang pagiging vegan nito.
Kaya nga medyo naging struggle para sa aktres ang kanilang recent Monaco trip kasama si Christophe Bariou dahil sa dami mga masasarap na pagkain na maaaring i-try doon ay nais niyang mag-stick sa kanyang lifestyle.
“We found restaurants in Paris, parang 2-star or 3-star Michelin na vegan, so that’s what we are aiming for. That’s why sabi ko, ‘Okay, for this trip I’m not gonna shop,’” kuwento ni Nadine.
Bilang commitment sa kanyang vegan lifestyle ay hindi na kumakain ng karne, seafoods, at dairy ang aktres.
At bukod sa mga pag-iwas sa mga ganitong klase ng pagkain ay hindi na rin bumibili ng gamit si Nadine na gawa sa balat ng hayop.
“I feel like shopping will be hard for me kasi I stopped buying leather na-bags, shoes. Yeah, I stopped buying na completely.
“When I switched to vegan, that’s when I became more conscious. Then I started becoming more and more empathetic to animals,” pagbabahagi ni Nadine.
Aniya, sa tuwing nakakakita raw siya ng mga hayop sa mga truck ay napi-feel bad raw siya.
“So everytime I would see an animal like in the trucks being transported… meat hang as you know… It makes me feel really bad. It’s another level of empathy. It’s like I could feel the pain the animal went through,” sey ni Nadine.
At bagamat nami-miss na niya ang kanyang mga nakasanayan noon tulad ng pagkain ng cheese, nais niyang ipakita ang kanyang commitment sa piniling lifestyle.
“I really miss the cheese, especially going to [a country like] France. You know ‘yung brie, camembert, ‘yung mga yun, oh my. I [also] pick the wine I drink ‘cause sometimes it has animal products. Hindi pwede. No seafood, no dairy. There’s bread naman that doesn’t have any eggs. Like mga sourdough that doesn’t have egg,” lahad pa ni Nadine.
RELATED STORIES
Nadine Lustre on dealing with jealousy in relationships: ‘You have to fully trust your partner’
LOOK: Nadine Lustre goes on Palawan road trip with non-showbiz BF