Claudine, Raymart muling nagkasama, parehong present sa graduation at recognition nina Santino at Sabina

Claudine, Raymart muling nagkasama, parehong present sa graduation at recognition nina Santino at Sabina

Claudine Barretto, Raymart Santiago, Sabina at Santino Santiago

SA kauna-unahang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon, muling nakita ng madlang pipol na magkasama ang dating mag-asawa sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito’y nangyari sa naganap na graduation ng kanilang panganay na anak na si Sabina Santiago at sa recognition ceremony sa school ni Santino Santiago.

Nag-share si Claudine sa kanyang Instagram account kahapon, May 28, ng dalawang video clips kung saan makikita nga sila ni Raymart na magkasama sa isa sa napakahalagang event sa buhay ng dalawang anak bilang mga estudyante.

 

Sa una niyang IG post, kasama ni Claudine sina Santino at Raymart na may caption na, “The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’s Graduation, pasensya na po but I am just soo Proud of both of my kids.

“They have always been straight A students ever since they started pre school, but i was so proud & amazed of how plenty their Awards, Medals & Certificates they both received,” dagdag pa ng aktres.

Abot-langit ang pasasalamat ni Claudine dahil napalaki niya nang maayos ang mga anak nila ni Raymart, “I want to thank Sab & Saint for making me proud, i must have done something good to deserve both Sab @ Saint!

 

“Congratulations mga anak! God be with you in this next chapter of your lives. mommy will always be here cheering & rooting for you both. its a Privilege to be you’re Mom. @sab_barretto,” pagbabahagi pa ni Claudine.

Sa isa pa niyang ibinahaging short video, halos pareho lang ang isinulat niyang caption kung saan kasama naman niya si Sabina at si Raymart. Hindi binanggit ng aktres ang pangalan ng aktor at tinawag lang niya itong “Sab’ Dad.”

“The woman beside Sab’ Dad & i is YAYA GING. 2nd mom of Sabina for 19 years. it was so important for Sab that her Yaya Ging go up stage with us. (heart emojis),” mensahe ni Claudine.

RELATED STORIES

Claudine Barretto has no plans of marrying again: ‘I already gave my promise to my ex-husband’

Claudine Barretto currently in hospital, but assures fans: ‘No need to worry’

Claudine dadalhin hanggang kamatayan ang sinabi ni Judy Ann noong lumipat siya sa GMA at iwan ang ABS-CBN

Read more...