Liza Soberano may bagong dyowa na, foreigner raw sabi ni Cristy Fermin

Liza Soberano may bagong dyowa na, foreigner raw sabi ni Cristy Fermin

HOW true kaya ang chika ng kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa isa sa mga controversial actress of the year na si Liza Soberano?

Sa kaniyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendel Alvarez ay muli nilang napag-usapan ang dalaga.

Lately kasi ay napabalitang hiwalay na si Liza sa kanyang dating ka-love team at boyfriend in real life na si Enrique Gil.

Bagamat may mga ngasasabing hindi raw ito totoo at wala pa rin namang kumpirmasyon mula sa mga partidong involved sa chika, may mga kumakalat na ring balita na may bago na raw ang dalaga.

“Pero may nagsasabi na mayroon siyang boyfriend na foreigner. May banyaga na raw na boyfriend si Liza,” pagbabahagi ni Cristy.

Sinegundahan naman ito ni Romel Chika na hindi malabong totoo ang balita lalo na’t madalas na nasa abroad ang dalaga.

Bukod pa rito ay madalang na rin daw mag-update ang dalawa ukol sa isa’t isa. Nabanggit rin nito na hindi na na raw si Enrique ang sumundo sa dalaga sa airport nang umuwi sa Pilipinas.

Sey pa ni Cristy, ipinagpalit na raw ni Liza si Enrique sa kanyang mga pangarap, ang American dream.

“Sino kaya ang mga sinasabi ng tao na foreigner daw ang kanyang karelasyon. Hindi naman siguro si James Reid kasi open na open naman si James doon sa kanyang girlfriend.

“Hindi rin naman siguro yung mga tagaroon sa ahensiya. Sino kaya itong foreigner na sinasabing boyfriend ngayon ni Liza Soberano?” nagtatakang tanong ni Cristy.

Aniya, wala naman daw siyang pakialam kung may bago na bang dyowa ang dalaga pero kaya lang raw nila ito napag-uusapan dahil maraming balita ang kumakalat na kanilang naririnig ukol sa dalaga.

Samantala, wala pa namang pahayag si Liza hinggil sa chikang ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng nga partidong sangkot sa isyung ito.

RELATED STORIES

Liza Soberano, Enrique Gil together in recent photo amid split rumors

Enrique Gil denies breakup with Liza Soberano: ‘I love her to death’

Read more...