Celebrities

Liza, Enrique totoong hiwalay na, magsasalita raw sa tamang panahon

File photo of Liza Soberano and Enrique Gil.

TRULILI kayang hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil?

Matagal nang nagdududa ang lahat sa dalawa dahil sa matagal na pananahimik ni Quen. Sa lahat kasi ng nagaganap kay Liza ay walang reaksyon ang aktor.

Pero lagi namang sinasabi ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh na sa pagkakaalam niya ay magkarelasyon pa rin ang dalawa.

Celebrity couple

Kung hindi man nakikialam o nagre-react si Enrique ay baka usapan na raw ito ng celebrity couple.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang aktor at kapansin-pansin din sa mga panayam ni Liza na hindi na niya binabanggit ang pangalan ng aktor.

Anyway, sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy, Wendell Alvarez at Romel Chika ay napag-usapan nilang hiwalay na talaga ang LizQuen at hintayin na lang na isang araw ay magsasalita na sila o aamin na sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Estado ng relasyon

“Isipin mo, dumating si Liza ng Pilipinas hindi alam ni Enrique?  Hindi siya ang sumundo?” say ni Nanay Cristy.

Baka naman gustong sorpresahin si Quen, tanong nina Wendell at Romel Chika.

Pero matigas ang paniniwala ni ‘Nay Cristy na hiwalay na ang dalawa at waiting na lang talaga sa mga araw na isa sa kanila ay puputok na.

Sa kasalukuyan ay hindi napagkikita si Enrique maliban noong nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN para sa maraming projects niyang gagawin at pagkatapos no’n ay wala na ulit siya.

Hirit ni Wendell, ang puting asong hawak ni Enrique ang naglalarawang sila pa ni Liza dahil baby daw nila iyon noon na nakunan ng video habang nagmo-malling taong 2018 sakay ng stroller.

RELATED STORIES

Liza Soberano’s life lately: ‘I am living my life for me’

‘Sorry, thank you,’ Liza Soberano tells ABS-CBN, Ogie Diaz, Enrique Gil

Liza Soberano shares sweet photos with boyfriend Enrique Gil

TAGS: celebrity couple, Enrique Gil, Liza Soberano, Showbiz news
Latest Stories
Most Read