Life! Showbitz

‘Eat Bulaga’ naging ‘Eat’s a Prank’, isang contestant tauhan raw ni Buboy Villar

MULI na namang nag-trending ang bagong “Eat Bulaga” matapos paratangan ng isang netizen na “scripted” raw ang isa nitong segment na “Ang Pinaka”.

Isang post kasi ng netizen ang agad na nag-viral sa social media kung saan ang isa sa contestant ng naturang segment ay kakilala na mismo ng isa sa mga bagong hosts na si Buboy Villar.

“Eat Bulagta (Eat Bulaga)… Contestant n’yo kunyari napili or talagang kasama scripted na,” saad ng netizen.

Pagpapatuloy niyo, Papremyo n’yo di naman tunay na makukuha ng mga pipila at magtyatyga sa labas. Pinagloloko n’yo mga manonood ahiiiiii.”

Sinabi pa nito na ang naturang contestant raw sa segment ng “Eat Bulaga” ay tauhan raw ni Buboy sa kanyang paresan business.

Baka Bet Mo: CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang ‘Eat Bulaga’

“Si lelet ay tauhan ni buboy sa kanyang paresan,” sey nito at may kalakip pang larawan ni Buboy at ni Lelet.

Ang naturang netizen pala ay loyal fan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o mas kilala bilang TVJ na siyang naging haligi na ng “Eat Bulaga” sa loob ng 43 years.

“Pasensya na matalas memorya ko sa mga past na napanood or nakita ko. Sorry TVJ solid here,” sey pa ng netizen.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at nalulungkot dahil tila nawawala na raw ang integridad ng “Eat Bulaga”.

“Kunwari pang [hindi] kilala ni Buboy. Huli ka balbon,” sey ng netizen.

Comment pa ng isa, “sad.. ung dignidad na nabuild ng TVJ para sa EAT BULAGA nasisira.. wag nyo naman sana sayangin ung pinaghirapan nila.. 44 years nilang inalagaan yan..”

Mayroon rin namang nagtatanggol sa mga bagong host ng longest-running noontime show at sinabing sinusubukan naman nila na maging maganda ang programa.

“Tntry naman nila ung best nila.. Pero puro pambabash inaabot nila..”

Wala pa naman kumpirmasyon kung totoong tauhan nga ito ni Buboy o kahawig lang.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Buboy at ng “Eat Bulaga” hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?

JV Ejercito nag-comment sa bagong ‘Eat Bulaga’, mga hosts kailangan ng nametags para makilala?

TAGS: Eat Bulaga
Latest Stories
Most Read