Life! Showbitz

Toni Fowler umaming ‘naadik’ sa pagpaparetoke: Hangga’t safe at kaya ng katawan…

Separate photos of Toni Fowler

PHOTO: Instagram/@tonifowlerpo

ISANG proud retokada ang social media personality na si Toni Fowler, pero paano nga ba nag-umpisa ang kanyang pagpapa-enhance sa katawan?

‘Yan ang inalam ng TV host at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno sa kanyang YouTube segment na “Iscovery Night” na uploaded noong June 17.

Sa umpisa, inamin na ni Toni na halos lahat ng kanyang katawan, mula mata hanggang pwet ay pinagawa na niya.

“Lahat fake sakin. Lahat pati ngipin, lashes, lahat talaga,” pag-amin niya kay Isko.

Kwento ni Toni, nagsimula ito dahil sa naging komento sa kanya ng ama ng kanyang anak at dating dyowa na si Aron Manalo.

“Nag-start kasi ‘to nung tumingin ako sa salamin after ko manganak,” umpisang kwento ni Toni.

Patuloy niya, “Pagkatapos ko manganak siyempre, yung boobs mo hindi na ganun…So ngayon, kapag nakikita ko sarili ko sa salamin nalulungkot ako.”

“Tapos katabi ko pa ‘yung tatay ng anak ko, sa kanya nagsimula ‘to. ‘Yung pinakahugot ko na may depresyon ka tapos may nakita kami sa Facebook…basta nilait lait ko ‘yung girl,” dagdag niya.

Chika pa niya, “Tapos sabi niya sa akin, ‘ikaw maganda ka nga lawlaw naman dede mo’. Sinabihan ako ng ganun, so na-stress ako.”

“Tapos simula ‘nun nahilig na ako manood ng mga [nagpaparetoke], pinangarap ko talaga siya,” sambit pa ng socmed star.

At para matupad niya ito ay kumuha siya ng iba’t-ibang klaseng trabaho upang makaipon.

“Manifest ako ng manifest kung saang trabaho, nag-online casino dealer din ako. Kung ano-ano ang ginawa kong work [para] makaipon lang,” kwento ni Toni.

Aniya, “So ‘nung nakaipon ako, break na kami ‘nun siyempre…nagpagawa na ako ng dibdib.”

Mula raw niyan ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagpapagawa sa buong katawan upang ma-enhance.

Nilinaw rin ni Toni na naka-move on na siya sa sinabi ng ex niya, at ang nag-uudyok ngayon sa kanya na ipagpatuloy ang pagpaparetoke ay dahil gusto niyang maging maganda sa kanyang paningin mismo.

“Habang tumatagal naiintindihan ko na ganito siya, hindi ko kailangan ng approval niyo,” saad niya.

Aniya pa, “Basta ang kailangan ko, kapag tumingin ako ng salamin this time, gusto ko at mahal ko ‘yung nakikita ko. ‘Yun ang dahilan ko kung bakit ako nagpapa-enhance kasi gusto ko.”

Sinabi rin ni Toni na hindi sapat ang proper diet at exercise upang ma-achieve ang inaasam niyang katawan kaya niya ito ginagawa.

“Kasi yung shape ng body, kahit ipilit mo na mag-exercise mo kung ‘yun na yung pwet mo, yun na ang sagad niya, pwede siyang tumaba ng konti pero hindi ko makukuha yung [gusto ko]. Hindi ko siya maa-achieve,” sey ng vlogger.

Pag-amin pa niya, “Hangga’t safe at tsaka kaya ng katawan [magpapa-enhance ako]. Parang dalawa nalang ‘yung gusto kong i-achieve.”

RELATED STORIES

Instagram is removing ‘plastic surgery’ filters in a bid to protect users’ well-being

Vice Ganda treats niece to nose plastic surgery, chin enhancement

TAGS: fake, Isko Moreno, Showbiz news, social media
Latest Stories
Most Read