FEELING ng mga netizens, si Vice Ganda ang pinatutungkulan ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa kanyang Instagram post.
Ayon sa mga nakakita at nakabasa nito obvious namang may kaugnayan ang IG post ng tinaguriang Henyo Master sa naging labanan ng tatlong noontime show last Saturday, July 1.
Nag-share si Joey sa kanyang Instagram kamakalawa ng gabi, July 2, ng group photo nila nina Tito Sotto, Vic Sotto o TVJ at iba pang original at legit Dabarkads habang sila’y nasa elevator.
View this post on Instagram
Kuha ang litrato sa pilot episode ng bago nilang noontime show sa TV5 last July 1, ang “E.A.T.” (Eto Ang Totoo).
Joey de Leon : 1,000 floors,
Inamin ni Joey sa caption na totoong hindi ganu’n kalaki ang studio nila sa TV5 na matatagpuan sa Reliance St., Mandaluyong City, pero grabe naman daw ang pag-welcome sa kanila ng televiewers.
May nabanggit si Boss Joey de Leon na mga salitang “1000 floors” at “lagpas helicopter” na pinaniniwalaang may konek sa pagsakay ng helicopter ni Vice Ganda na bahagi ng pasabog ng “It’s Showtime” last Saturday na mapapanood na rin sa GTV channel na pag-aari ng GMA 7.
“Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter! (winking face with tounge emoji),” ang buong post ni Joey.
Baka Bet Mo: Vice Ganda sumakay sa helicopter para di ma-late sa trabaho
Kanya-kanyang reaksyon ang mga netizens sa IG post ng veteran TV host at halos lahat ay nagsabing ang pagbanggit ni Joey sa “helicopter” ay patutsada kay Vice.
Napanood nga kasi ang Kapamilya superstar na sumakay ng chopper mula sa rooftop ng ELJ Building sa Mother Ignacia St., Quezon City at lumapag sa GMA 7 rooftop sa EDSA, Timog Avenue.
Bukod dito, nag-elevator din pababa si Vice mula sa tuktok ng building hanggang sa entrance ng GMA Station kung saan siya nag-perform with “It’s Showtime” dancers.
View this post on Instagram
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa IG post ni Joey.
“Effortless pero full of genuine love and respect.”
“Lahat ng binababa ay itinataas.”
“Numbers won’t lie! Tunay na mahal ng bawat Pilipino ang DABARKADS! #legitdabarkadsako.”
“No one can put down truly good men (TVJ) . Simple Lang ang show kumpara sa iba grabe ang effort. Pero may laman at tatak sa puso. TVJ at legit Dabarkads ang taga pag puno sa kalungkutan naming mga OFW.”
“Effort na effort Ang katapat nyo, taob pa Rin hehe humble beginnings pero bonggang bonggang pagmamahal at pagsuporta naming Legit dabarkads.”
“Congratulations on your new home. Sana po iwas iwasan nyo na sir ang paparinig. Nakaka wala po yon ng respito. Pwede namn mag bigaybng isa’t libo isang tuwa pro yong mga parinig nakakawala ponng respito. Being humble is more important and be thankful kasi meron kayong new home. Napakasakit po nyan kng babagsak ulit kayo. Again congratulations po!”
View this post on Instagram