Kim Chiu aminadong naging suki ng ukay ukay, prom gown noon na-iskor sa halagang P300

Kim Chiu aminadong naging suki ng ukay ukay, prom gown noon na-iskor sa halagang P300

HINDI nahiya si Kim Chiu na aminin na in her youth ay naging suki siya ng ukay-ukay.

Her revelation came nang tinanong namin ang cast na narooon which included Frenhcie Dy, Kyle Versoza and Jake Ejercito kung meron silang experience na nag-ukay-ukay sila.

“Ako, ‘yung pinang-JS prom ko galing ukay-ukay ‘yun. It’s a gown, color pink. Nanalo pa akong Lady of the Night,” lahad ni Kim sa nagdaang screening at mediacon ng kanyang newest series na “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.”

Nasa P300 lang ang pink gown na suot noon ng “It’s Showtime”.

“Masarap talaga maghanap lalo na mga ate ko, dalawa ang ate ko. Hiraman na lang kami,” say pa ni Kim.

Nang tanungin ang aktres kung ano ang fashion no no sa kanya, she said, “Siguro rule of thirds lang lagi when it comes to fashion. Tatlo lang ang accessories mo – earrings, necklace and bracelets. Or necklace, bracelet singsing. Para hindi toop much lahat. Palaging ganoon, tatlo lang ‘yung palaging makikita mo sa akin.”

“Ako, gusto ko lang fashion, bihis-bihisan lang kasi mahilig ako sa Barbie. Binibihis-bihisan ko ‘yung Barbie noong bata ako. So, ngayon, parang ang feeling ko ako na siya na nagdadamit.

“So, palaging akong nagmi-mix match ng damit. Anong bagay na shoes? Dapat anything coordinated dito sa damit ko. Parang ganoon, ‘yun lang mix and match,” dagdag pa ni Kim.

Nang tanungin uli ang aktres kung ano ang pinaka-daring na fashion experience, ito ang sagot ng dyowa ni Xian Lim, “I don’t wear color black and red lipstick. Isa ‘yun sa mga natatakot akong gawin. Minsan kapag red lipstick, daring na siya para sa akin. And then kapag black na outfit, ‘yung all black na damit, daring na rin siya sa akin kasi parang hindi ako ganoon kakomportable na magsuot ng color black na damit. Kaya daring siya for me kaya if am wearing those, parang I’m here, I’m doing something new.”

Sa seryeng may temang ukay, ginampanan ni Kim ang papel ni Melanie, na ang kwento ng buhay ay parang “ukay” o segunda-manong damit dahil iniwan siya ng kanyang ina noong siya ay sanggol pa lamang.

Naghahanapbuhay rin siya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ukay na negosyo ng ama na Ukay King. Determinado na patunayan ang kanyang halaga, pinangarap ni Melanie na maging isang fashion designer, ngunit nabaligtad ang kanyang buhay nang ang tindahan ng kanilang pamilya ay nilamon ng apoy, na naging dahilan ng kanilang pagkabaon sa utang.

Para maibalik sa tamang landas ang kanyang buhay, pumasok si Melanie bilang fashion designer sa isang negosyo na pag-aari ni Chris (Jake Ejercito), isang batang fashion executive, na napansin ang kanyang mga talento.

Sa pagpasok ni Melanie sa cutthroat world ng Filipino fashion industry, natagpuan din niya ang kanyang sarili sa isang paglalakbay patungo sa kamalayan at pagpapalakas ng sarili, pagpapatawad, at ang pagkamit ng tunay na pag-ibig.

Magiging matagumpay kaya si Melanie sa mapagkumpetensiyang fashion world? Alamin sa “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen” sa Prime Video simula Hulyo 6.

RELATED STORIES

Kim Chiu on sister’s miraculous recovery, dealing with fake friends

LOOK: CONGRATS SA NEW HOUSE, KIMMY! 🏠

Kim Chiu fulfills dream of starting own business venture

Read more...