TAMA ang nasulat namin dito sa BANDERA noong Hulyo 3 na may kinalaman ang manager ni Awra Briguela sa pansamantalang paglaya niya mula sa Makati Custodial Jail nang magpiyansa siya ng P6,000 isang linggo na ang nakararaan.
Nabanggit namin na either isa kina Vice o Xian Gaza ang tumulong sa batang aktor dahil nga si Vice ay manager niya at si Xian ay nag-post na tutulungan niya ito.
Kaya namin nasabing si Vice ang tumulong kay Awra ay dahil may nakakilalang personal assistant ni Ion Perez ang sumunod. Si Ion ay parter ng It’s Showtime host.
Ito ang naibalita ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM at One PH YouTube channel na umere nitong Biyernes.
Bungad ni ‘nay Cristy, “’Uy, ‘yun palang sumundo kay Awra Briguela nu’ng magpiyansa siya ay PA (personal assistant) pala ni Ion Perez?
Sagot kaagad ni Romel Chika, “Opo nakilala siya. ‘Yung representative bale ni Vice Ganda. ’Yun ang pagtulong n’ya kay (Awra).
Sabi pa ng batikang manunulat at host, “at saka raw ‘yung pampiyansa na anim na libo? Maganda itong ginawa na ito ni Vice Ganda. Lumugar s’ya sa maayos. Siya ay manager ni Awra Briguela, hindi s’ya pinabayaan ang alaga niya. Pinag-piyansa niya tapos pinasundo sa assistant ni Ion.
“Pero alam mo ba na siniyerto n’ya talaga si Awra. Nilabhan niya at binanlawan. Hindi talaga niya talaga kinunsinti dahil mali naman talaga si Awra. ’Yon ang maganda kay Vice. Lumugar siya sa tama, ’di ba?”
Dinugtong din ni Romel Chika na ginagawang running joke na rin daw ni Meme Vice ang nangyari sa alaga sa programang “It’s Showtime”.
“Dyino-joke niya po ‘yan kay Awra na alam mong patama at mararamdaman mo talaga na buwisit pa rin siya sa pangyayari kay Awra.,”sambit ng co-host ng CFM.
Say pa ni ‘nay Cristy, “at kahit ako ang maging manager ni Awra hindi tama. Hindi tama itong ginawa niya lalo na ’yong kawalan n’ya ng respeto sa mga alagad ng batas?
“Hindi pinapalakpakan ’yon. Diin na diin talaga siya doon lalo na nang magsalita na ang mga video clips. Wala s’yang pupuwedeng itanggi.
“Kitang kita na s’ya talaga ang basagulero doon sa gabing iyon. Tahimik ang lahat. Siya lang talaga ang magulo.
“Kaya ako, saludo ako kay Vice Ganda. ’Yong hindi pagkunsinti sa mali, napakaganda nu’n. Pero hindi n’ya pinabayaan, pinasundo niya sa kinatawan niya at pinag-piyansa niya.
“Opo, napakahirap ipagtanggol kasi ang video ay nagsasalita,”saad ni Romel Chika.
Samantala, tuloy pa rin ang kaso ni Awra dahil nagsampa na rin daw ang staff ng bar sa Poblacion kung saan ginanap ang gulo.
Bukod dito ay isinama rin ang ibang kaibigan ni Awra sa asunto na isinampa na rin iba pa ang physical injuries at disobedience to person in authority.
Anyway, may nakarating ding balita sa amin na hindi raw muna umano sasalang si Awra sa game show nila ni Maja Salvador na Emojination na napapanood sa TV5 hangga’t hindi natatapos ang kaso niya.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Awra o ng kampo niya.
RELATED STORIES