CCTV footage ng mga nakakalokang eksena ni Awra at ng lalaking nagreklamo sa kanya sa bar kalat na sa socmed

By: Ervin Santiago - Bandera | July 01,2023 - 12:28 PM

Awra Briguela

Awra Briguela

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media ang CCTV footage kung saan mapapanood ang mga naging kaganapan sa iskandalong kinasasangkutan ni Awra Briguela.

Ito yung mga eksena na kuha sa loob ng Bolthole Bar, sa Poblacion, Makati City, ilang minuto bago nangyari ang rambulan sa pagitan nina Awra at ng isang grupo ng mga kalalakihan noong Huwebes, June 29.

Inaresto at ikinulong si Awra matapos maaktuhan ng mga operatiba ng Makati Police na nakikipagbugbugan sa harapan ng naturang bar. Kinasuhan na rin siya ng physical injuries base sa reklamong isinampa ng complainant na si Mark Christian Ravana.

Una naming napanood ang naturang CCTV footage sa Facebook page ng social media personality na si Xian Gaza, kung saan maririnig ang pagkukuwento ng isang empleyado ng Bolthole sa naganap na kaguluhan.

HINDI PINAGBIGYAN KAYA NAGALIT

Sa pagsasalaysay ng staff ng bar, nag-ugat ang rambulan nang hindi umano pagbigyan ng complainant na si Mark ang request ni Awra na maghubad siya. Makikita sa video ang mga kaibigan ng youngstar na nagsisigawan at kinakantiyawan si Mark na maghubad na at ipakita ang kanyang private part.

Ayon pa sa staff ng bar, humiling ang grupo nina Mark kay Awra na magpa-picture ngunit sabi raw ni Awra, maghubad muna ang guy bago siya pumayag.

Base pa rin sa napanood naming CCTV, maayos namang umexit ng bar ang mga friends ni Awra at ang mga lalaki bandang ala-5 ng umaga. Pero naiwan nga ang youngstar sa loob at kinausap si Mark at pilit pa rin daw pinaghuhubad sa harapan niya.

Kasunod nito, makikita nga ang complainant na naghubad ng t-shirt pero sabi ng empleyado ng bar, pati raw pantalon ng lalaki ay gustong ipahubad ni Awra at nagalit nga ito nang muling tumanggi si Mark.

Tinulak nito ang binata pati na ang isang kaibigan nito. Makikita sa video na hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa matumba sila at mapunit ang damit ng lalaki.

Base pa rin sa pagsasalaysay ng staff ng bar, ayaw daw magpaawat ni Awra nang pinakakalma ng mga bouncer. At nang lumabas na ang complainant, sinundan pa rin daw sila ng dating child star na patuloy na inaawat ng mga bouncer pero talaga raw ayaw nitong tumigil.

At nang tuluyan nang makalabas ng bar si Awra ay nilapitan niya agad ang grupo ni Mark at dito na nagsimula ang rambulan hanggang sa nagdatingan na nga ang mga operatiba ng Makati Police at inaresto si Awra.

Matatandaang sinabi ni Mark sa panayam “Frontline Pilipinas” ng TV5 last Thursday, June 29, na, “Nakursunadahan niya siguro ako tapos hindi niya ako pinalabas ng bar.

“Unang-una talaga, hindi ako pumapatol. Naka-hands up pa nga ako. Sinundan talaga ako sa baba. Then nagulat ako, may sumuntok na sa akin. Madami na ang sumuntok sa akin, lumaban lang ako,” aniya pa.

Samantala, wala naman sa kumalat na CCTV footage ang unang lumabas na balita na nagsimula ang gulo dahil hinipuan umano ang mga kaibigang babae ni Awra.

Ngunit base sa panayam ng Makati Police, wala silang natanggap na reklamo mula sa grupo ni Awra hinggil sa panghaharas sa kanila.

Sabi ni Makati Chief of Police Col. Edward Cutiyog sa isang panayam, “Tinanong din po natin sa grupo ni Awra kung mayroon sa kanila ang magko-complain, kung sinasabing may allegedly may hipuan ayun din kasi ang sinasabi na ugat.

“Pero so, far wala naman. If may pumunta man dito at mag-complain then we will assist immediately,” aniya pa.

RELATED STORIES:

Raffy Tulfo sinupalpal ang ‘pagdi-discriminate’ ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d’yan, sir… huwag ganoon

Actress Awra Briguela may post bail ‘next week’ — police

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: brawl, CCTV, footage

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.