TAMA ang naging hinala ng fans ng Kapamilya star na si Janella Salvador na nagtampo ito matapos ilabas ang “Star Magic 30” catalogue kamakailan lang.
Hindi kasi nakasama ang aktres sa naging cover ng catalogue na kung saan ay tampok sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Kim Chiu, Gerald Anderson, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, John Arcilla, Arjo Atayde, Enchong Dee, Shaina Magdayao, pati na rin si Jane de Leon.
Kung maaalala, nag-post ng cryptic tweet noong July 8 ang aktres na kung saan ay mababasa ang katagang, “Ah k. Noted” kalakip ang emojis ng star at magic wand.
Kinumpirma naman mismo ni Janella na para nga ito sa bagong launch na catalogue matapos maka-text ni DJ Jhaiho, ang host ng YouTube vlog na Marites University.
Kwento ng host sa naturang vlog, sinend niya ang tweet ni Janella sa mismong aktres at sinabihan pa niyang “palaban” ito.
Agad naman daw siyang ni-replyan ni Janella at sinabing, “Palaban ‘pag tama ‘yung pinaglalaban. Valid naman siguro ‘yung tampo ko [sad face emoji].”
Nauna nang sinabi ni Direk Laurenti Dyogi, head ng Star Magic at head ng ABS-CBN TV Production, na handa siyang humingi ng dispensa sa aktres hinggil sa hindi maiiwasang pangyayari.
Ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, “Sinabi sa akin ni Direk Lauren nung July 8, 5:49 ay hindi pa raw niya nakakausap si Janella, at hihingi na lang daw siya ng dispensa kay Janella.”
“Kasi sabi ni Direk Lauren, ‘Last minute, may nabago sa layout at kailangang magdagdag ng pahina’,” patuloy ng vlogger.
Ani pa niya, “Medyo marami din naman daw sila na hindi naisama.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Star Magic 30” ay isang special anniversary catalogue sa loob ng tatlong dekada.
Ipinapakita rito ang mga successful event and celebrations na isinagawa ng naturang talent management, kabilang na riyan ang grand media con, Christmas event, prom, summer event, sports festivals, at marami pang iba.
RELATED STORIES
Janella Salvador shares fitness journey after having a baby
Janella Salvador and baby Jude go to Boracay