Life! Showbitz

Gladys Reyes nasasaktan kapag sinasabing walang ginagawa si Christopher Roxas: May ibang career ang asawa ko

Gladys Reyes nasasaktan kapag sinasabing walang ginagawa si Christopher Roxas: May ibang career ang asawa ko

HINDI mapigilan ng batikang aktres na si Gladys Reyes ang mapaluha nang pag-usapan kung gaano niya kasuportado ang asawang si Christopher Roxas sa mga nais nitong gawin sa buhay.

Nitong Lunes, August 7, nag-guest silang mag-asawa sa “Magandang Buhay” kung saan ibinandera ng aktres ang mga achievements ng asawa sa mga sinasalihang culinary competitions.

Napansin naman ni Regine kung gaano ka-genuine at kung gaano ka-proud si Gladys kay Christopher habang nagkuluwento ito. Kaya naman hindi maiwasan ni Jolina ang magtanong kung ano naman ang pakiramdam ng actor-chef sa tuwing ibinabandera siya ng asawa.

“Kahit hindi naman makita sa social media o ano, simula naman noong nagsama kami, alam ko na ‘yung suporta niya sa akin hanggang langit e. So nararamdaman ko ‘yun… sinusuportahan niya ako sa mga mahal [at] gusto kong gawin,” pagbabahagi ni Christopher.

Sey naman ni Gladys, “Sobrang natutuwa lang talaga ako sa kanya. Naiiyak ako sa tuwa kasi finally nagbunga lahat ng hard work ni Christopher.

“‘Di ba minsan kapag pareho kayong artista tapos hindi visible ‘yung isa, halimbawa lang sa TV, akala nila walang ginagawa. Akala nila hindi busy. Pero ayun nga, siyempre hindi lahat ng tao malalalaman nila na may ibang career ang asawa ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)

 

Sey pa ni Gladys, ang totoo daw talaga ay si Christopher ang abala sa kanilang negosyo.

“May iba siyang ginagawa. Siya ‘yung sa negosyo na part. Siya ‘yung pang-stability. Siya ‘yung pang-future talaga para sa mga anak namin. And then finally, ito. Wow! Kaya sobrang proud na proud ako sa asawa ko kasi ‘yan talaga ‘yung gusto niyang gawin e.

“Gusto n’yang magluto. Yung passion niya sa pagluluto, nandoon ever since kaya sabi ko, ‘Congratulations talaga bebe, kasi finally dumating na ‘yung inaantay nating recognition for you. Meron ka ng certification,” proud na sey ni Gladys.

Para naman kay Christopher, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao

“Hindi innate sa akin… Hindi ako namumuhay para sa mata ng iba. So ako, hindi ako napapagod d’yan… Siguro ‘yun ‘yung magandang pagpapalaki sa amin ng magulang ko na dapat ‘yung magaganda sa buhay mo, ‘yung saya mo, nakasalalay sa ‘yo. Hindi sa ibang tao.”

Hinahayaan rin daw niya si Gladys na gawin ang mga gusto nito at huwag intindihin ang iba.

“Do your thing kasi kapag masaya ka sa ginagawa mo, nai-shi-share mo sa mga mahal mo sa buhay ‘yun,” sey pa ni Christopher.

RELATED STORIES

Celebrity mom Gladys Reyes advocates breastfeeding

Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Gladys Reyes, Christopher Roxas celebrate 30 years of togetherness: ‘My forever love’

 

TAGS: Christopher Roxas, Gladys Reyes, Showbiz news
Latest Stories
Most Read