MAKALIPAS ang 11 years, finally, nabigyan na rin ang Kapamilya sexy actress na si Chie Filomeno ng network contract sa ABS-CBN.
Abot-langit ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng dalaga dahil sa wakas ay isa na siyang certified Kapamilya na my maipagmamalaking kontrata.
“The feeling is overwhelming. As in no words can describe what I am feeling right now kasi the journey that I had was really a rollercoaster ride. I wouldn’t trade it for anything else, kasi ang dami kong natutunan,” pahayag ni Chie sa panayam ng ABS-CBN.
Sey pa ng model-actress, halos kalahati ng buhay niya ay inilaan niya sa pagiging Star Magic at ABS-CBN artist at wala raw siyang babaguhin sa lahat ng mga naging experience niya mula noon hanggang ngayon.
“Alam mo ‘yung feeling na ito talaga ‘yung totoong dream come true. Ninanamnam ko siya. I am here for longevity also. ‘Yung gratitude din is over the ceiling,” sabi ng dalaga.
Sa tanong kung ano ang isa sa mga naging motivation niya sa pagpasok sa entertainment industry, yan ay walang iba kundi ang kanyang parents.
“My drive would definitely be my unconditional love for my family. Kasi hindi lang ako ‘yung nagsakripisyo, pati sila.
”Yung sakripisyo na ‘yun, hindi siya utang na loob. This is something I want to give my parents because they deserve it,” pahayag ni Chie.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Ang dami ko pang gustong makatrabaho, besides learning new stuff. This is a new chapter of my life and ang dami ko pang matututunan. I am 26 but I am willing to learn.
“I would really love to work with sir John Arcilla also. Feel ko mas mapu-push pa ‘yung craft. Siyempre hindi ka naman pwedeng ‘Oh my gosh, anong gagawin ko?’ You really have to show your best,” chika pa niya.
Kasama si Chie sa pinakaaabangang pelikula ng taon mula sa Star Cinema, ang “A Very Good Girl” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
RELATED STORIES
Ginebra San Miguel launches 2022 Calendar Girl