PINATULAN ng Kapamilya sexy actress na si Chie Filomeno ang isang epal na netizen na nagkomento tungkol sa kanyang pagpaparetoke.
Hindi pinalampas ng dalaga ang nam-bash at nangnega sa kanya sa social media platform na TikTok matapos siyang husgahan nito nang dahil lamang sa ginawa niyang pagpaparetoke noon.
Komento ng basher sa isang social media post ni Chie, “Women empowerment ba yan? Ine-encourage niyo mga kababaihan na magparetoke buong mukha kesa iembrace yung natural na ganda ng Pinay lol.”
Depensa naman ng dalaga, wala siyang nakikitang masama sa naging desisyon niya na sumailalim sa beauty enhancement na mas nagbigay pa sa kanya ng self-confidence.
“Wala po tayong ineencourage at wala po akong sinasabi na ito ang tamang gawin, ito ang dapat gawin.
“At tsaka, wala naman pong masama sa pagpaparetoke or sa pageenhance sa kung anong meron ka.
“Kung ito ang tingin mo magpapasaya sayo, magbibigay confidence sayo, why not do it? Wala ka namang natatapakan na tao, wala kang nasasaktan,” pagtatanggol ni Chie sa sarili.
Ipinagdiinan din niya na sariling pera niya ang kanyang ginastos sa pagpaparetoke kaya walang karapatan ang sinuman na kuwestiyunin o pakialaman ang ginawa niya sa kanyang katawan.
Hirit pang resbak ni Chie sa basher, “Ang tanda tanda na po natin, alam na po natin kung ano ang tama sa mali. At ang ginagawa mo, ayan ang mali.
View this post on Instagram
“Parang dinedegrade mo lahat ng taong nagparetoke, parang ang sama sama naming tao for like doing something that would make us happy ng wala kaming tinatapakan na tao.
“I’m not saying this is the right thing to do pero sana mas lawakan pa natin yung understanding natin sa topic na to,” ang punto pa ng dalaga.
Taong 2019 nang sumailalim si Chie sa isang procedure para ma-enhance ang kanyang overall look. Inamin niya ito sa panayam ng “Tonight With Boy Abunda.”
“Tito Boy, there’s nothing wrong in enhancing something that you have. It’s a choice, it’s your own choice as long as wala kang natatapakang tao, go with it,” pagtatanggol niya sa sarili mula sa mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa.
ALOS READ: