KC Concepcion ibinandera na ang mukha ng dyowang Fil-Swiss, nag-date sa France

KC Concepcion at Michael Wuethrich

KC Concepcion at Michael Wuethrich

HANGGANG ngayon ay wala pa ring diretsahang pag-amin si KC Concepcion tungkol sa relasyon nila ng kanyang rumored boyfriend, ang Fil-Swiss na si Michael Wuethrich.

Pero mukhang inuunti-unti na ng actress-TV host ang ginagawa niyang pagpapakilala sa publiko sa kanyang dyowang bank manager sa Zurich, Switzerland buong universe.

Sa isa kasi niyang post sa Instagram ay makikita na ang mukha ni Michael habang magkasama silang namamasyal sa isang lugar sa France.

Sweet na sweet ang rumored couple sa nasabing IG reel dahil nakaakbay pa si Michael kay KC habang naglalakad. Naka-strapped yellow dress si KC with matching purple shoal, habang si Mike naman ay naka-shades at gray t-shirt.

Nabanggit ni KC sa caption ng kanyang IG post na pumunta siya sa France para bisitahin ang ilang mga kaibigan doon.

“In case you were wondering This time last week, I took a European train to make time for dear friends in France- and to get my hands on fresh figue & homemade pavlova, of course! Here’s how I spent the weekend,” sabi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa kanyang Instagram post.

Samantala, may isa pang IG post si KC tungkol naman sa kanyang European trip ngunit mukhang hindi na niya kasama roon si Michael.

Ngunit sa kanyang IG Story ay ginamit uli niya ang litratong nakaakbay sa kanya ang dyowa. Aniya sa caption, “Weekend in France.”

Nagsimulang mapabalita ang tungkol sa rumored couple noong January, 2023 nang may makakita kay KC sa Ayala Alabang market kasama si Michael. Nakunan sila ng litrato at kumalat nga sa social media.

Sa isa pang social media post ay nakita naman si Michael sa bahay ni Sharon Cuneta. Ang paniniwala ng netizens, ipinakilala na ni KC sa nanay niya ang bago niyang boyfriend.

Bukod dito, may short video rin na ibinahagi si KC sa IG kung saan inabutan siya ng isang lalaki ng heart-shaped white chocolate. Sey niya sa caption, “Nope, you’re not stealing my heart!!”

Sinagot naman siya ng isang Instagram user na may handle na @wanderingwatches, “You stole mine though… @kristinaconcepcion.” Ang @wanderingwatches IG account ay pag-aari ni Michael.

RELATED STORIES

KC Concepcion turns 38, mom Sharon Cuneta wishes: ‘May you receive all of your heart’s desires’

KC Concepcion saved from ‘possible paralysis’ due to COVID-19

KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo

Read more...