KASABAY ng pag-trending ng aktres na si Yassi Pressman at Ilocos Norte Representative na si Sandro Marcos, muling iginiit ng aktres na si Alexa Miro na wala silang romantic relationship ng presidential son.
Ang muling paglilinaw ni Alexa ay matapos siyang tanungin ng entertainment journalist na si Nelson Canlas sa isang podcast interview.
“No, no, no, no, hindi siya nanliligaw. Kami, like what I said in all of my past interviews, he’s one of my closest friends,” sey ni Alexa.
Paliwanag pa niya, “We trust each other with our problems, gan’un din siya with his other friends na girls and boys…thankful ako na naging part ako ng circle nila.”
“With them, they’re really like family. We really have each other’s backs,” dagdag niya.
Sinabi pa nga ni Alexa na marami talagang kaibigang babae si Sandro.
“Si Cong. — he hates it when we call him that — pamilya kami. He calls his friends his family. Marami talaga siyang kaibigang babae, as in marami kami sa group,” chika ng aktres.
Patuloy niya, “But I guess because I’m the fresh face, that’s what the people latched on to. Tapos lagi kaming magkasama pero hindi natitiyempuhan ang ibang friends.”
Kasunod niyan ay nag-open up si Alexa na napaiyak siya dahil sa mga nararanasang pambabatikos matapos kumalat ang chismis na may something sila ng presidential son.
Kwento pa niya, pinagsabihan lamang siya ni Sandro na huwag pansinin ang bashers.
“Hindi niya ako kinomfort. Ang sinabi niya lang, ‘Bakit mo kasi pinapansin ang bashers? What you should think about is the line from ‘Game of Thrones’ where the lion doesn’t concern itself with the opinion of the sheep.’ Very strong kasi ‘yun, gan’un siya,” ani ng aktres.
Dagdag niya, “Hindi ko siya naiintindihan before but now I just choose to not even try to understand it because we all have our own opinions, anyway, and nothing that anyone can say will really change who you are.”
Matagal nang umuugong ang balita na may “something” na namamagitan sa kanilang dalawa.
Nagsimula ito nang umamin si Sandro kay Lani Mercado na may kasintahan siyang taga-Cavite.
Lumabas rin sa ilang pahayagan na mukhang si Alexa ang babaeng ito.
Mas tumindi pa ang bulung-bulungan ukol sa dalawa nang makita ang dalaga na dumalo sa oath-taking ni Sandro sa Malacañang noong nakaraang taon.
Bagamat nauna nang pinabulaanan ni Alexa and mga kumakalat na chika ay nananatili pa ring buhay ang chismis.
Ilang beses na ngang nilinaw ni Alexa sa mga panayam na talagang super close lang sila at magkaibigan lamang.
RELATED STORIES
Just ‘good friends’: Alexa Miro on status of relationship with Sandro Marcos
Alexa Miro present sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos
Yassi Pressman seen getting cozy with Sandro Marcos amid breakup rumors with Jon Semira