Showbitz

Alexa Miro present sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos

Photo of Alexa Miro for story:Alexa Miro present sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos

SPOTTED ang sexy actress na si Alexa Miro sa panunumpa nahalal na mayor, house representatives, at ibang opisyal mula sa Ilocos Norte na ginanap sa Malacañang noong June 30.

Kasama sa mga nanumpa ang kanyang kay Pangulong Bongbong Marcos ang rumored boyfriend niyang si Sandro Marcos bilang bagong kongresista ng unang distrito ng Ilocos Norte.

At namataan nga si Alexa sa Malcañang dahil imbitado siya sa oath taking ng binata.

Matatandaang naging usap-usapan ang dalawa matapos ibuking ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram page na ang sexy actress nga ang nali-link kay Sandro bilang girlfriend nang tanungin siya ni Cong. Lani Mercado kung may girlfriend nga ba siya.

“Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata.

“Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika,” saad ni Manay Lolit.

Aniya wala naman daw problema dahil kung totoo ang balita ay parehas namang single ang dalawa.

“Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon. Single at puwede mag-mingle lahit kanino si Cong Sandro at tiyak na marami pa ang mali-link sa kanya dahil prize catch siya na isang certified bachelor.

“Maraming babae na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaruon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma link si Cong Sandro, ok lang, no problem. Binatang binata at pogi, why not,” sey ni Manay Lolit.

Bukod sa pagiging maganda at sexy ay magaling rin sa pag-arte si Alexa. Sa katunayan ay maraming natuwa sa kanyang pagganap sa pelikulang “A Girl & A Guy”.

Mukha namang tanggap ng pamilya Marcos ang dalaga para sa anak dahil welcome na welcome ito sa Malacañang Palace.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa ukol sa tunay na relasyong namamagitan sa kanila.

RELATED STORIES:

Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

Marcos leads oath-taking of son Sandro, other Ilocos officials

TAGS: Alexa Miro, Cebu Daily News, rumored boyfriend, Sandro Marcos, Showbiz news
Latest Stories
Most Read