Celebrities

Gerald, Julia nagkasawaan agad?

KUMALAT ang usap-usapan na tila nawawala na raw ang pagmamahal ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa karelasyon nitong si Julia Barretto.

Sa mga TikTok videos kasi na ipinost ng dalaga, parang wala sa mood at casual lang ang pakikitungo ng aktor sa dalaga.
Ngunit tila wala naman itong katotohanan dahil strong na strong pa rin ang relasyon ng dalawa.
Nitong Sabado nga lang, July 31, ay nag-upload pa ang dalaga ng isang vlog kung saan naglaban ang boyfriend na si Gerald at ang inang si Marjorie Barretto ng “Who Knows Me (Julia) Better”.

Makikita sa video ang saya ng magdyowa sa tuwing nakakakuha ng tamang sagot si Gerald. Tila naman kilalang-kilala na nito ang dalaga dahil halos lahat ng tanong ay nasagot nito ng tama. Nag-tie pa nga ang score nila ni Marjorie.

Sey nga ni Ogie, marahil ay dahil na rin sa age gap kaya namimisinterpret ng ilan ang kinikilos ni Gerald.

Hindi rin naman natin masasabi dahil baka saktong pagod o wala lang sa mood si Gerald noong makunan ni Julia. Tao rin naman ito at hindi naman palaging mataas ang energy.

Tila di rin naman pinansin ni Julia ang mga mapangmatang netizens dahil no comment lang ito sa isyu dahil di naman ito totoo.

Sa katunayan, nagcomment pa si Gerald ng heart emoji sa post ni Julia kung saan makikitang magkayakap at sweet na magkatitigan ang dalawa.

TAGS: Gerald Anderson, Julia Barretto
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.