Madam Inutz, Alyssa Valdez pasok na sa ‘PBB Kumunity Season 10’ bilang celebrity housemates

By: Ervin Santiago - Bandera | October 07,2021 - 07:08 AM
Inutz

Alyssa Valdez at Madam Inutz. | Bandera

ANG bongga talaga ng viral online seller na si Daisy Lopez, o mas kilala ngayon ng madlang pipol bilang si Madam Inutz!

Ibinandera na ng ABS-CBN na isa nga si Madam Inutz sa mga napiling celebrity na papasok sa Big Brother house bilang isa sa mga “PBB Kumunity” Season 10 housemate.

Si Madam Inutz ang isa sa first three official celebrity housemates ng “PBB Kumunity”. Ang dalawa pang napili ay ang volleyball star na si Alyssa Valdez at ang baguhang singer na si KD Estrada.

Nagla-livestream kanina ang internet sensation nang biglang umapir si Melai Cantiveros at in-announce nga sa buong mundo na pasok na siya sa unang batch ng housemates para sa season 10 ng “PBB.”

Kitang-kita naman ang pagka-shocked ni Madam sa ibinalita ni Melai at mukhang hindi nga in-expect ang biglang pag-appear ng TV host-comedienne at dating “PBB” winner sa kanyang livestream.

“Na-shock ako siyempre kasi di ko inaasahan. Sabi 15 minutes lang makipagkulitan lang. Ninerbyos tuloy ako. Pakape ka naman,” ang biro ni Madam Inutz kay Melai.

Samantala, tinanong naman siya kung sa tingin ba niya ay nakapasa siya sa lahat ng pinagdaanang medical test na isa sa requirement bago makapasok sa Bahay ni Kuya, “Sa tingin ko wala naman po akong tama!”

Sey naman ni Melai, nakapasa nang bonggang-bongga sa medical test ang sikat na online seller at binigyan niya ito ng 30 minutes para mag-impake at magpaalam sa kanyang pamilya.

Mensahe naman ni Madam, “Mga inutz, ngayon niyo ako suportahan. Alam ko mahal na mahal nyo si madam ninyo.

“Kailangang kailangan ko ‘yung suporta n’yo dahil kung sakaling manalo ako napakaling tulong nito sa anak ko as single mom. Ilalaban ko ‘to para sa family. Sanay tayo sa hirap kaya kakayanin ko to,” aniya pa.

Nagsimulang sumikat si Madam Inutz dahil sa nakakaaliw at nakakalokang style niya sa live online selling. Kamakailan lamang ay inilunsad na rin ang kanyang singing career sa pamamagitan ng debut single niyang “Inutil.”

Ang former Mr. Gay World title holder, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino na tumatayong manager ngayon ni Madam Inutz ang dahilan para maging ganap na recording star ang sikat na online seller.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.
Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Big Brother house, Madam Inutz, PBB Kumunity

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.