“WE just love each other talaga as friends!” Ito ang isa sa mga sikreto ng iconic OPM band na Parokya ni Edgar kung bakit hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang samahan.
Pagbabahagi ng pinakabagong hurado ng “Idol Philippines” na si Chito Miranda, ang matibay na pagkakaibigan at ang tunay na pagpapahalaga at pagmamahal sa isa’t isa ang rason kaya until now ay buhay na buhay pa rin ang Parokya Ni Edgar.
At kahit daw magkakaiba ang ugali at personalidad ng mga miyembro ng grupo na binubuo nga nina Chito, Buwi, Darius, Gab, Dindin at Vinci, swak na swak pa rin ang kanilang barkadahan at pagkakaibigan.
“Kumbaga, we’re stronger as a team. Pero more than that, we’re really friends ng mga kabanda ko. More than being musicians, magkakaibigan talaga kami.
“That’s why we never argued about music. Because we just love being in a band, we just love being a part of Parokya,” pahayag ni Chito sa isang panayam.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Hindi tulad ng ibang bands they’re, primarily, musikero first, eh. So if they outgrow each other musically, natural lang na maghiwalay sila kasi hindi na sila magkakasundo sa music. With us, music is secondary. Barkada lang muna kami lahat.”
“And we just love each other talaga as friends. Sanay kami na iba-iba ‘yung ugali namin and we respect that, so walang problema,” dagdag pang chika ng premyadong singer-songwriter.
At tungkol naman sa pagiging hurado ng Kapamilya reality singing competition na “Idol Philippines”, “Sa totoo hindi ako naglagay ng hulma or pattern kung ano ‘yung hinahanap ko, eh.
“Kung sino man ‘yung mapili or ‘yung makapasok, gusto namin talagang undeniably, someone who can clean the stage and own it, and someone na gusto mong panoorin, regardless kung anong genre or style or characteristics,” pahayag pa ni Chito.
Isa sa mga payo niya sa lahat ng contestants na nangangarap maging “Idol”, “Kailangan you stick to your guns. Pakinggan mo ‘yung sarili mo more than anyone, but at the same time hoping ka to learn.
“So kung paano mo i-balance ‘yun, doon ka magiging idol. You have to learn from others but at the same time hindi mo pwedeng i-compromise kung sino ka. So ‘yun ‘yung mix na gusto kong makita as an Idol,” aniya pa.
Bukod kay Chito, kabilang din sa mga judge sa bagong season ng “Idol Philippines” sina Regine Velasquez, Gary Valenciano at Moira dela Torre.
Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang
Francine may 2 ikina-iinsecure sa katawan; Gold Squad mas naging solid pa ang samahan