Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas

Heart Evangelista bumili ng apartment sa Paris, hindi muna babalik ng Pilipinas

IBINAHAGI ng actress-model na so Heart Evangelista na nakabili na siya ng apartment.

Ito ay kinumpirma niya sa kanyang Instagram live nitong Miyerkules, Setyembre 28 habang nasa Paris.

Habang nakahiga at nagpapahinga ay nagkukuwento ito sa kanyang trabaho at sinasagot ang mga katanungan ng mga netizens.

“Kung akala puro laktwatsa, hindi po, trabaho po siya, hindi po siya madali,” pagtatama ni Heart sa mga taong nag-aakala na madali lang ang ginagawa niya sa Paris Fashion Week.

Dagdag pa niya, “Maganda lang siya at masaya siya because it’s something that I love— fashion. And I love dressing up but it was really a full job.”

Chika pa ni Heart, hindi siya ang tipo ng tao na mananatili lang sa kanilang bahay at gusto niyang maging productive ang bawat oras niya.

Nilinaw rin ng aktres na hindi siya nakatira sa Paris at nananatili lang siya sa bansa dahil sa kanyang trabaho.

“No, I’m not living here. I have work here and I have work in the Philippines and kailangan natin ng work because you know, you gotta be independent, work for your stuff without hingi-hingi ng anik-anik. So, kailangan super work tayo. Hindi ako naniniwala sa (hingi). I’m a working girl,” sey ni Heart.

Samantala, kahit na sinasagot ng aktres ang mga katanungan ng netizens ay halata namang iniiwasan nito ang mga tanong na may kaugnayan sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.

Natanong rin si Heart patungkol sa kanyang mga aso at naikwento rin niya na dapat raw ay isasama niya ang mga ito papuntang Paris ngunit hindi na natuloy.

Natanong rin ang aktres kung ano ang latest purchase niya at diretsahan nga niyang sinabi na may bago na siyang apartment.

“Okay I just got myself an apartment. So I do not really plan to buy anything else because I have all my nice furniture. I really want, very, very nice… I’m saving up for that. But I’m also so busy, I have no time to shop. The only time I have to spare is to be on my bed and rest,” lahad ni Heart.

Nabanggit rin niya na naniniwala siya sa self-love at ito ang ginagawa niya ngayon.

“A lot of people in my country don’t really—they get it, but they don’t—well, you have to understand that you have to love yourself and if you have to force yourself to be selfish because you love yourself and you treasure yourself, this is the goal,” pagbabahagi ni Heart.

“Because, how are you going to manage everybody around you, all the treasures around you if you do not take care of yourself?

“I mean, for me, for the longest time, I am a people-pleaser. I still am. I’m still actually fighting myself for that because I want everyone around me to be happy,” dagdag pa ni Heart.

Aniya, kung pwede lang raw na hatiin niya ang kanyang katawan para magawa ang kanyang mga trabaho at makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

“I’m very hard working and also a people pleaser. And being a celebrity, being in social media, you got a lot of bad comments. So you just really have to put yourself first. And be selfish about that because you owe that to yourself. And treasure yourself and know your worth,” chika pa ni Heart.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

“I just wanted to say hello, hello to everybody. Thank you so much for joining my live. I miss all of you but—dito muna ’ko. Hindi muna ko babalik [ng Pilipinas].”

“I just want to thank everybody that is liking, supporting my post, I really, really appreciate it. And those of you who don’t really like me and still post bad things, thank you, it’s still great engagement… charot!” natatawang sabi ni Heart.

RELATED STORIES

Heart Evangelista admits she’s in search of happiness: ‘Been going through personal struggles’

Heart Evangelista building home in Paris amid rumored split with Chiz Escudero

Heart titigil na raw sa pagbili ng walang kapararakang luxury items: I had a change of heart recently…

Read more...