Celebrities Showbitz

Ogie Diaz sa chikang si Kylie ang nagloko sa relasyon nila ni Aljur: Hindi naman isyu kung sino ang una o sumunod…

TALAGA nga namang updated ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz pagdating sa tsismisan.

Dahil mayroon na kagad siyang komento sa bagong kumakalat na balita tungkol sa aktres na si Kylie Padilla.

Recently lang kasi ay nag-post sa Instagram ang aktres ng kanyang travel video sa Thailand at makikita roon na may ka-holding hands siya na lalaki.

Caption pa nga ni Kylie, “wandering with another fellow wanderer.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Alam niyo naman ang mga Marites, mabilis sa mga ganyang post at muling binuhay ang kontrobersyal na hiwalayan nina Kylie at dating asawa na si Aljur Abrenica.

Ang kumakalat naman ngayon ay ‘yung nali-link ang aktres sa isang tattoo artist na isa sinasabing tunay na dahilan kaya raw sila naghiwalay ng dating asawa.

Chika pa nga ni Mama Loi sa “Showbiz Update” ni Ogie, “May kumakalat na may kasama nga daw si Kylie na nag out of town na hindi kita yung face, puro tattoo lang.

“So nabuhay ulit ngayon ang chika na si Kylie Padilla daw ‘yung dating unang nag-cheat dahil nga daw ‘yung tattoo artist nga diba ‘yun ang unang kumalat dati.”

Patuloy pa niya, “So ngayon, parang ang mga Marites siyempre researchers diba, nag back track at sabi, ‘ay ito ‘yun! ‘Yung tattoo artist dati!’”

“Meron pang tsismis na ‘yun nga daw magkasama silang dalawa e parang ‘yung isang tour guide kinunan sila ng picture, pinabura raw ni Kylie Padilla… Kaya diba puro body parts lang ‘yung nakikita sa mga posts,” dagdag ni Mama Loi.

Kaagad namang nagkomento diyan si Ogie at ipinunto na ang mahalaga ay masaya na ang dalawa at hindi pinababayaan ang kanilang mga anak.

Sey ni Ogie, “Alam mo, sa totoo lang, hindi naman isyu kung sino ang una o sumunod na nag-cheat. Siguro na-fall out of love na sila sa isa’t-isa.

“Anyway, si Aljur e tingnan mo may AJ Raval.”

Dagdag pa ng talent manager, “Anyway, ang importante ay mabuti silang magulang sa mga mata ng anak nila.”

“‘Yun nalang ang ipagpasalamat natin. Naging marupok naman sila o mapusok e look at the brighter side na pagdating sa mga anak e hands on naman sila,” aniya.

Noong Nobyembre lamang ay inamin ni Aljur na posible pa ring magkaroon ng second chance silang dalawa ni Kylie.

Bagamat hindi sinagot ni Aljur sa isang panayam kung mahal pa rin niya si Kylie, umamin ang aktor na parte na ng kanyang buhay ang aktres.

Sey ni Aljur sa panayam, “Hindi naman siya mawawala.

“Isang dekada kami magkasama, part of myself is siya na e.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung paano ko mapu-put into words pero hindi siya mawawala do’n.”

Matatandaan noong July 2021 ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.

Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang noong panahon na ‘yun.

Related chika:

Kylie Padilla inilantad na ang bagong dyowa, hirit ng netizens: ‘Sana nga hindi ka niya saktan at lokohin!’

TAGS: Aljur Abrenica, Cebu Daily News, cebu news, Diaz, Kylie Padilla, Ogie Diaz
Latest Stories
Most Read