Lolito Go nagmakaawa kay Moira nang magkasakit ang ama: Kahit piso ‘di siya nagbigay, hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala

Lolito Go nagmakaawa kay Moira nang magkasakit ang ama: Kahit piso 'di siya nagbigay, hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala

MULING bumuwelta ang lyricist at composer na si Lolito Go laban sa singer-songwriter na si Moira dela Torre.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay naglabas ito ng screenshot bilang “resibo” sa kanyang naunang pahayag laban sa “Malaya” singer.

“Deactivated na ang account. Wala na yung name. But the truth can never be deactivated,” ang saad ni Lolito sa kanyang FB post.

Giit niya, wala raw siyang sinabing nag-employ si Moira ng ghostwriter bagkus ang ginamit niyang termino ay “offered”.

“Kasi kung employed ako, may NDA–di ko na sana madidisclose ito,” sey ni Lolito.

Kwento pa niya, masaya siya nang matanggap ang mensahe mula sa “mapanakit” na singer dahil kahit hindi man siya ma-recognize sa mga kanta ay at least, nakatanggap siya ng bayad mula rito.

May mahaba ring sagot si Lolito sa mga naging pahayag ng ina ni Moira na si Raquel dela Torre.

“This breaks my heart because you know that my daughter WAS JUST BEING NICE. Ikaw ang kumukulit sa GHOSTWRITER na yan. I-Release mo lahat ng screenshots. challenge you.

“Are we sure it’s not edited? Because You have been borrowing MONEY from her.
Lagi ka nangungutang sakanya. And fact remains, MY DAUGHTER never hired a GHOSTWRITER.

“You are borrowing money, and you are insisting na mag GHOSTWRITER ka. We have the truth. Maawain lang anak ko,” bwelta ng ina ni Moira.

Nagbigay eksplanasyon naman si Lolito sa naging komento ng mommy ng singer, kabilang na ang tungkol sa pangungutang niya sa estranged wife ni Jason Hernandez at ang isyu sa pagha-hire nito ng ghostwriter.

“‘You are insisting na mag-ghostwriter’. Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I ‘might have’ initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.”

“Sa issue ng pangungutang.
It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na nagrant nya. When I was about to pay, she insisted na wag ko na bayaran.”

Nabanggit din ni Lolito Go na noong nagkasakit ang kanyang tatay ay mangailangan financial assistance, “Nu’ng nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi s’yang gastos. Pero lakas ng loob n’yang tawagin akong friend, kakampi.”

Nitong Martes ng umaga, May 30, pormal nang binasag ni Moira ang kanyang katahimikan at nagsalita na nga hinggil sa a isyung ibinabato sa kaniya at kasama rito ang naunang pahayag ng lyricist laban sa kanya.

RELATED STORIES

LOOK: Jason Marvin features clips of estranged wife Moira dela Torre in new video

Moira: ‘I have never cheated on Jason’

 

Read more...