Life! Showbitz

Luis Manzano ibinandera ang ‘lambingan’ time nilang mag-asawa kay Baby Peanut: Pakikausap ang batang ‘yan

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

ALIW na aliw ang mga netizens sa bagong update ng TV host-actor na si Luis Manzano ng pakikipag-bonding nito sa anak na si Baby Peanut.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang sweet na sweet ang kanilang anak sa mommy nitong si Jessy Mendiola.

Sa tuwing matatapos i-kiss ng asawa ni Luis si Baby Peanut ay hahalik naman ito sa kanyang pisngi nang matagal.

Hindi lang isang beses itong ginawa ni Baby Peanut sa kanyang Mommy Jessy kundi tatlong beses pa.

Ngunit nang si Luis na ang sumubok makipaglambingan sa anak ay tila wrestling ang nangyari dahil puro tadyak ang inabot nito sa anak.

“Mama vs Papa lambingan,” saad niya sa caption.

Pagpapatuloy pa niya,” [M]edyo nakakahalata ako Peanut , paki kausap yang batang yan @jessymendiola.

Tawang-tawa naman ang mga netizens sa kalokohan ng Manzano family.

“sapat na yong kamukha mo lang si peanut Luis pero Kay Jessy Ang lambing [emojis] cutie peanut,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Paa ang katapat hahahaha! Buti nga po di kayo binugahan ng hangin galing sa bumbum.”

“Hahahaha paa pala ni peanut ang katapat mo Luis,” sabi pa ng isa.

Sey pa naman ng kanyang ina na si Vilma Santos, “Sooooo sweet my baby Peanut !!! See you soon !!”

Hindi naman ito ang unang beses na ibinahagi ni Luis ang kakaibang bonding nila ng kanilang anak ni Jessy.

Madalas niyang ibahagi ang lambingan at bonding nila ni Baby Peanut kung saan madalas ay kinukurot, sinisipa, sinasabunutan at tila nakikipag-wrestling sa kanya ang anak.

RELATED STORIES

Luis Manzano, Jessy Mendiola ready for second baby?

Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut bininyagan na, Alex Gonzaga, Nikki Gil tumayong mga ninang

Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

TAGS: Baby Peanut, Jessy Mendiola, Luis Manzano, Showbiz news
Latest Stories
Most Read