REST muna ang puso ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes kahit pa naka-move on na siya nang bonggang-bongga sa breakup nila ni Ricci Rivero.
Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa pagmamahal sa sarili pati na rin sa kanyang pamilya at ubusin ang panahon sa pagtatrabaho lalo pa’t patuloy siyang inuulan ng blessings.
Sa bagong vlog niya sa kanyang YouTube channel, game na game na sumabak ang dalaga sa “Date or Pass” kasama ang ilang kaibigan kung saan sinabi niyang mas magiging maingat na siya sa pakikipagrelasyon.
“As you all know, it’s only been a couple of months na naging single ako and I am not looking for a man, or a commitment, or a boyfriend, as of right now,” bahagi ng naging pahayag ni Andrea sa nasabing vlog.
Mariin pa niyang sabi, “So, the term ‘jojowain’ is just too serious for me. Ayoko ng ganoon eh. And, of course, ayoko lang maulit ‘yung before na sabi ko totropahin and then he became my boyfriend. Hindi na tayo for the memes.”
Sa isang bahagi ng kanilang game, may ipinakitang list sa kanya ang mga kaibigang sina Criza Taa, Danica Ontengco at Bea Borres, na naglalaman ng mga pangalan ng lalaki.
Inamin naman ni Andrea na nakipag-date siya sa isang nasa list pero hindi na niya binanggit kung sino ito kaya sila lang din ang nakaalam ng identity ng guy.
Samantala, speaking of Andrea, kasama ang controversial young actress sa cast ng pinakaaabangang latest youth-oriented series ng ABS-CBN.
Ito ang “Senior High”, ang bagong coming-of-age Kapamilya primetime series na pagbibidahan nina Andrea, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Daniela Stranner, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, at Gela Atayde.
Makakasama rin nila rito ang mga veteran actors tulad nina Angel Aquino, Baron Geisler, Mon Confiado, at Sylvia Sanchez, kasama sina Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.
Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC, mula sa Dreamscape Entertainment, mapapanood na ang “Senior High” simula sa August 28, 9:30 p.m, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.