Life!

Judy Ann umaming sa kanya nagkaproblema kaya naudlot ang shooting ng pelikula nila ni Sam sa Canada…anyare?

Judy Ann

Sam Milby and Judy Ann Santos

KUNG si Judy Ann Santos ang tatanungin, willing na willing pa rin siyang gawin ang pelikulang “Mrs. Winters” kasama ang fiancé ni Catriona Gray na si Sam Milby.

Hindi natuloy ang shooting ng naturang pelikula na kukunan pa sa Canada. Ang unang lumabas na balita, nagkaroon ng problema sa ilang dokumento ng ilang cast members at crew.

Pero sa ginawang paglilinaw ni Juday sa ilang members ng entertainment media, bukod dito, nagkaproblema rin sila sa gagamiting location sa Canada.

“Sa visa ko nagkaproblema. And then naubusan na kami ng winter. So, kung pinush through na namin siya ng May or June, Mrs. Autumn na siya o Mrs. Summer na siya.
“So, mawawala na yung essence ni Mrs. Winters,” ang paglilinaw ni Juday sa launching ng kanyang latest endorsement last Friday, August 25, ang Alaska Milk.

Siniguro naman ng wifey ni Ryan Agoncillo na hindi niya aatrasan ang nasabing project at nangakong gagawin pa rin niya ito kapag naayos na ang lahat ng mga requirements, at kapag may snow sa kanilang location.

“So, I think at some point we’ll just wait for the next winter to come. And hopefully, by that time makalabas na yung visa ko. Kung hindi pa, hindi pa alam kung ano yung next step.

“Pero kasi with global warming hindi mo na talaga masabi kung kailan na ba talaga may snow,” paliwanag pa ng Soap Opera Queen.
Dugtong pa ng premyadong aktres, “Committed pa rin naman. Hindi pa rin naman ako…hindi naman ako puwedeng bumack-out dahil nagsabi na kami, nag-announce na kami and I gave them my word.

“Kung hindi man siya matuloy, I promise na hindi ako yung magiging dahilan,” paniniguro pa ni Judy Ann Santos.

Magsisilbi sanang reunion movie nina Juday at Sam ang “The Diary Of Mrs. Winters”, 10 taon ang nakalipas matapos nilang gawin ang Kapamilya series na “Huwag Ka Lang Mawawala”.

Sa direksyon ni Rahyan Carlos, ang pelikula ay mula sa produksiyon ng AMP Studios Canada at HappyKarga Films.

READ MORE:

Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

TAGS: Celebrities, showbiz
Latest Stories
Most Read