Life! Showbitz

Bea Alonzo nagmukha raw alalay sa birthday ni Kyline Alcantara: ‘Naawa kasi ako kaya kinuha ko na ‘yung cake’

Bea Alonzo

Bea Alonzo at Kyline Alcantara. | Bandera

KUSANG nag-volunteer at hindi ginawang alalay.

‘Yan ang naging paglilinaw ng award-winning actress na si Bea Alonzo matapos maging isyu ang pagbubuhat niya ng birthday cake ng Kapuso young star na si Kyline Alcantara.

Noong September 3 nang magdiriwang ng kaarawan si Kyline sa variety show na “All-Out Sunday” at makikita sa viral video na mismong si Bea ang kumuha ng cake upang makapagpasalamat si Kyline sa kanyang sponsors at fans.

Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng ilang netizens at fans kung saan may iilan na nagsabi na ginagawang alalay si Bea.

Habang may mga nagpapalabas naman na hindi raw maganda ang pagtrato ng GMA sa aktres.

“May isang account sa Facebook…tapos ang nakalagay ‘this Generation’s Box Office Queen pinaghawak lang ng birthday cake sa isang GMA show.’ Tapos ‘yung mga comment doon parang, ‘hindi nakaka-queen na ikaw ang naghahawak ng cake girl,’ ganun ganun,” pagbabahagi ng TV host na si DJ Jhai Ho sa “Marites University” vlog.

Patuloy pa niya, “Ang daming comments ng netizens na parang, ‘Nakakaloka! Si Bea talaga ang naghahawak ng cake sa GMA,’ parang ganun ‘yung mga chika.”

Ayon kay DJ Jhai, sinend niya ito agad kay Bea at pinagtawanan lang daw ito ng aktres dahil hindi siya aware na viral na sila ni Kyline.

Para raw kay Bea, wala lang ang ginawa niyang pag-assist kay Kyline noong mga panahon na ‘yun.

Sa isang text message na ipinadala sa TV host, ipinaliwanag ng aktres na tinulungan lamang niya si Kyline dahil nakikita niyang nahihirapan ito.

“Sabi ni Bea, ‘Hahahaha, ngayon ko lang nakita. Naaawa kasi ako kay Kyline na hindi niya mahawakan ang microphone niya kaya kinuha ko na lang ‘yung cake para makapag-thank you naman siya sa sponsors niya,’” sey ni Jhai Ho habang binabasa ang text sa kanya ni Bea.

Wala pang pahayag si Kyline hinggil sa isyu na ito, as of this writing.

Magugunitang lumipat si Bea sa GMA noong July 2021 makalipas ang dalawang dekadang pananatili sa ABS-CBN.

Matapos lumipat ng TV network ay bumida siya sa Philippine adaptation na “Start-UP PH” at nagkaroon ng guest appearances sa mga show na “Magpakailanman” at “Pepito Manaloto.”

Sa ngayon ay abala naman si Bea sa inaabangang upcoming show na pinamagatang “Love Before Sunrise” kung saan makakasama niya ang aktor na si Dennis Trillo.

READ MORE:

Dream wedding ni Bea Alonzo ug Dominic Roque sa 2024 basin di matuman, unsay nahitabo?

Dominic Roque excited na nga bang magkaanak kay Bea Alonzo?

TAGS: entertainment, Movies, showbiz
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.