Life! Showbitz

Dominic Roque excited na nga bang magkaanak kay Bea Alonzo?

Bea Alonzo and Dominic Roque

PHOTO: Instagram/@dominicroque

MUKHANG excited na talaga ang aktor na si Dominic Roque na magkaroon ng sariling pamilya sa aktres na si Bea Alonzo.

Tila nagpaparinig na kasi siya sa kanyang soon-to-be wife na nais na niyang magkaroon ng anak.

Sa Instagram Stories ng aktor, mayroon siyang shinare na video na kung saan ay mapapanood ang isang batang babae na tine-train na maglaro ng Tennis.

Agaw-pansin din ang kanyang caption na kung saan ay nakabandera ang katagang, “My little bea soon…” at naka-tag pa mismo ang aktres.

Kamakailan lang, ibinunyag ni Bea matapos siyang tanungin ng entertainment press na walong anak ang gusto ni Dom.

“Ang gusto talaga ni Dom walo pero sabi ko paano eh, 35 na ako,” sey ng aktres sa isang media conference.

Kasabay niyan ay inamin ni Bea na sinusulit pa nila ng aktor ang pagiging engaged kaya hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal nila.

“Ang hilig lang namin ay mag-browse ng mga photo, ng beach wedding, minsan cliff, minsan farm. Ngayon gusto lang naming kiligin na iisipin muna kung ano ang dapat,” nakangiting sey ni Bea.

Pagbabahagi pa niya, “But definitely, intimate wedding lang. Kasi alam n’yo kahit ano man ang gusto namin ay dapat may consideration dahil may mga kamag-anak kami at bisita.”

“Marami kaming idea sa mind pero hirap mag-share baka kasi hindi matuloy,” aniya pa.

Magugunita noong July 20 nang ibinandera ng aktres sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Makikita pa nga ang black and white pictures na nagulat at napaiyak pa si Bea bago magsabi ng “yes” sa aktor.

Kung matatandaan, taong 2021 nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

RELATED STORIES

How Bea Alonzo, Dominic Roque’s romance came to be

Dominic gustong maka-8 anak kay Bea, namimili pa kung anong theme ng wedding; sinigurong imbitado si John Lloyd

Bea sa todo-todong pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Dominic: ‘Hindi ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon’

TAGS: Bea Alonzo, Dominic Roque, Instagram, Showbiz news
Latest Stories
Most Read