NAGBIGAY reaksyon ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ukol sa sunud-sunod na pagkakadeklara ng persona non grata ng drag queen na si Pura Luka Vega.
Sa kanyang X (dating Twitter) ay ipinahayag niya ang saloobin ulol rito.
“Dami nang nag-declare na persona non grata si Pura Vega dahil sa kawalang respeto sa Diyos. Sana lahat din ng politicians, God fearing and hate corruption,” saad ni Ogie.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang tweet ng talent manager.
“Mas mataas pa standard ng mga Pilipino sa isang Drag Queen kaysa sa mga Politicians ano? Mga Politicians kahit convicted plunderers, tax evaders, corrupt and murder happy okay lang at iniidolo pa,” reply ng isang netizen sa tweet ni Ogie.
Saad naman ng isa, “Plastic ng mga LGUs. Bakit nung minumura at iniinsulto ni Digong ang Panginoon wala silang imik lahat? Ngayon eto. Parehong blasphemous lang ang ginawa nila ni Pura Luka.”
View this post on Instagram
“Ordinaryong tao lng kc mems…iba n kc pag nasa pwesto ka naun… ‘powerful’,” sey naman ng isa.
Matatandaang nag-viral noon ang drag art performance ni Luka kung saan nagbihis siya ala Hesus habang sumasayaw at kumakanta ng Ama Namin remix.
Tulad nga ng tweet ni Ogie, maraming mga lalawigan na ang nag-anunsyo ng persona non grata sa drag queen matapos mag-viral at maging usap-usapan ang kanyang performance.
Sa ngayon ay deklaradong persona non grata si Luka sa Floridablanca, Pampanga; General Santos; Toboso, Negros Occidental; Bukidnon; Dinagat Islands; Manila; Cagayan de Oro; Nueva Ecija; Laguna; at Occidental Mindoro.
Related Chika:
Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: ‘Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya, wa echos…hindi ko sasabihing beh buti nga’
Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?
Pura Luka Vega nag atubang og laing kaso, mga deboto sa itom nga Nazareno ang mireklamo