Life!

The Storyteller

BODJIE PASCUA

FOR THOSE of us who grew up in the 80s to the 90s and watched Filipino television, the name “Kuya Bodjie” is equivalent to sitting down and opening our eyes and ears to the ultimate story time. With his uncanny ability to give life to stories using his signature voice, Luisito “Kuya Bodjie” Pascua, though only seen on television, shaped the childhood of many youngsters by making us imagine that anything
is possible.

It is then quite difficult to take out the Kuya Bodjie of the iconic television show “Batibot” and place him in a box and engage in a conversation with just Bodjie Pascua,
the actor, who has then since took on roles in movies and television series; the last of which was the role of Leopando “Pandoy” Cervantes in ABS-CBN’s top rating afternoon soap, “Wildflower” topbilled by Maja Salvador. He plays Sal, a baker in a film by writer/director Che Espiritu, which will be shown at Cinemalaya 2018.

There was a feeling of familiarity, home and comfort when we sat down with Kuya Bodjie during the lunch break of a high energy storytelling workshop—courtesy of
Smart Communications, the Cebu Literary Festival, Center Suites and Basadours—attended by aspiring and growing storytellers from the cities and towns of Cebu, Cordova, Moalboal, Argao in Cebu, and Ormoc and Isabel in Leyte.

It was an interview that could have stretched on for four hours had it not been for Hendri Go, the brain and heart behind Cebu LitFest, who had to remind us that there is
a room full of individuals waiting for Kuya Bodjie to continue on with the workshop. Thus, ended a 30-minute interview which Hendri originally intended to only run
for 15 minutes. (Sorry and thank you, Hendri.)

Here we read about Bodjie Pascua, the actor and humble man, who never gets on a stage to introduce himself as the one who pursued his bachelor’s degree in fine arts/drama at the University of Southern California in Los Angeles and New York University in New York City.

Really, he doesn’t need to because when he opens his mouth or gestures his hands, the magic of Kuya Bodjie comes out.

Photos by Anthony Bernaldo

How did you start in theater?

How did I start? Yung aking passion, affection for performing nagsimula nung ako ay bata pa dahil siguro malakas ang boses ko and I can carry a tune well. Bata pa lang ako parati akong nahihila sa mga contests. Ang first major role ko sa San Beda was as Saint Benedict when I was in Grade 2, around 8 years old. Meron akong maliit na sotana. Actually, para syang mime. Merong voice-over tapos arte-arte ka. But it became so powerful… pari ako, santo ako. I can do miracles. Pero earlier than that, parati na akong pinapatula sa harap ng maraming audience kasi nga malakas boses at klaro daw ang aking diction. I was in kindergarten, six years old.

So from there, you became part of theater groups?

Sa Beda nasasali ako sa mga drama contests. Parating merong drama contests among grade levels. Intermediate years, Grade 4, Grade 5, Grade 6, parati akong nasasali dun. Sa high school nasali na ako sa Bedan Stagers. Tapos dapat magiging president na ako nung senior ng Bedan stagers sa
high school. But nag Martial Law, pinagbawal ang lahat ng school orgs. Nung 2nd year ako, nag- workshop na ako sa PETA (Philippine Educational Theatre Association),
nag- workshop na sa CMLI (Children’s Museum and Library, Inc.), naka- cameo apperance saRajah Sulayman theater. ‘Yung ganun. Kaya nung bata pa lang ako, laman na ako ng teatro.

Did your parents like theater?

‘Yung tatay ko … ewan ko kung dahil dun … pero yung tatay ko, gustong mag-artista. In fact, mga Grade 2 din yata ako nung na-cast siya sa isang pelikula kasama nya si Cesar Martinez. Ewan ko kung kilala nyo pa ‘yun. Ang title ng pelikula ay “Octopus,” para siyang crime organization na may tentacles. Isa sa mga tentacles ang tatay ko. Tapos ang alalala ko pa, panahon ‘yun ng bulutong, may bulutong tubig ako. So nung nag-shooting sila sa bahay, di ako makalapit. May printing press sa baba ng bahay namin. Printing press sa baba, sa second floor dental clinic ng Mommy ko. Sa third floor, bahay namin. Suportado ng parents ko ang mga hilig ko. Dati nga tinutukso ako ng mga kaklase ko kasi parating nasa San Beda ang parents ko.

So yun nga nagshooting sa bahay, di ako makalapit kasi may bulutong tubig ako. Nung gumaling na ako, na-edit na ang pelikula. May screening sa isang sinehan sa may Escolta. Preview for the cast and the crew. Sa isang suspenseful part ng movie, yung tatay ko hinahabol ng mga pulis. Tahimik lahat sabay merong maliit na boses sabi, “Daddy, dali andyan na sila.” Tawanan lahat. Ako yun. Mahilig ako dalhin ng tatay at nanay ko, mahilig silang manood ng sine at parati nila akong kasama. Dami kong alaala na nanonood ako ng pelikula with my parents so baka ‘yun.

And that made you decide to take up Fine Arts in college?

I graduated with a Bachelor of Fine Arts degree. Ibig lang sabihin nun wala akong Science or Math subjects as opposed to Bachelor of Arts in … Pag Bachelor
of Fine Arts wala kang Math and Science projects… Bachelor of Fine Arts in Drama, specialty ko ang acting.

Pinag-aralan mo talaga…

Oo, pero mas natuto ako nung umaarte na ako dito sa Pilipinas.

Photos by Anthony Bernaldo

Bakit, sa US?

Bahagi nun… 1974 to 1978 yun eh. Martial Law ng 1972. Kinabahan ang parents ko. Mahilig ako… inosenteng bata na sumasali sa mga rally. In fact, andun
ako nung araw na nag-speech si Marcos sa Congress, nung binato sya ng kabaong…nandun kami ng hapong yun. Tapos umuwi na kami. Nung gabi, nag-riot na. Tapos siguro dahil feeling ng mga tarantado may kaya ang mga magulang ko… maraming ganun nung araw eh. May nagpadala ng note … ‘yung parang sa pelikula yung kinut na mga letters sa dyaryo na pinagdikit-dikit na kikidnapin ako. There was a time, high school, may mga malalaking, bruskong tao na kaibigan ng tatay ko na pasundo-sundo sa akin. Siguro partly yung takot nila. Ako, gusto kong pumunta ng America. American dream, I suppose. Hindi ako nahirapan i-convince ang parents ko to finance my studies in the States dahil nga may takot na ganun. Ginusto kong mag-aral sa America. Gusto kong mag-adventure sa ibang bansa.

And how was that?

Masaya naman sya. Masayang malungkot. The irony is du’n ko natuklasan na ako’y Pilipino. Na-miss ko ang Pilipinas, na-miss ko ang buhay sa Pilipinas. ‘Yung parang may moments na in a way successful din naman ako sa pag-aaral ko. Na-cast ako in a lead role nung final production ng class namin. Parang, wow! Pero ang lungkot-lungkot ko dahil nami-miss ko ang Pilipinas. Mahabang kwento ito. Dahil adopted ako, yung tunay na parents ko nasa America, magkahiwalay sila dun. Nung andun na ako, kinukuha ako. Pero bahagi ng sarili ko, kailangan kong umuwi sa Pilipinas kasi grateful ako sa mga nagpaaral sa akin. Worried na worried sila nun na baka di na ako bumalik sa Pilipinas.

Pero sa huli, umuwi ka?

Umuwi ako. Na- realize ko lalong lalo na nung umuwi ako sa Pilipinas, nasali ako sa PETA at talagang “Ah, tama ang desisyon kong umuwi kasi Pilipino ako.” I felt it was such an alien experience living in the States. Hindi ko kultura.

Nung umuwi ka, what did you do for work?

Unang trabaho ko, nagturo ako sa Philippine High School for the Arts. Ang natuklasan ko naman dun, ang tanga-tanga ko about Philippine theater so anong karapatan ko magturo sa Philippine High School for the Arts? So bumaba ako sa Manila. Nag-audition ako sa REP (Repertory Philippines), nag-audition ako sa PETA. I stayed sa PETA. Nung nasa PETA ako mas nag-enjoy ako. Mas naramdaman ko na makatao.

Let’s talk about “Batibot.”

I was another actor looking for work. Bago ang “Batibot,” merong Kalye Sesame. Ito yung co-prod ng CTW (Children’s Television Workshop) at ng Philippine Sesame Street Project. This was 1983. Hindi ako nag-audition for that. Andun si Junix, etc. Tapos 1983 na-assassinate si Ninoy. Nag-decide sila maging all-Filipino na kasi nagbabayad sila ng dollars sa CTW. Nahirapan sila mag-raise ng funds. Nagkaproblema na sa politka ng Pilipinas. So ang ”Batibot” nag 100 percent Filipino na. Sabi nila sa CTW, “Give us five years.” Lend us Pong Pagong and Kiko Matsing, and we will create a new set of courtyard characters na humans, and then after five years baka pwede na kaming tumayo on our own. So yun nag-audition ako. Sabi ko sige na nga … sa totoo lang di ako mahilig sa bata pero sabi nila maganda ang pay tapos lalo na all-Filipino siya. At that time, sold na ako sa paninindigan ngPETA na balikan natin yung sarili nating kultura. Dahil all- Filipino ang ”Batibot,” sabi ko ay swak! Yung pagkukwento ko dun, it just fell on my lap. Mga Amerikano kasi, paniniwala nila short commercials lang bawat segment. Si Rene Villanueva was insisting that storyelling will work forFilipino children. Sabi nila, “No, no.” Nung wala na ang mga Amerikano, pagkakataon na natin. But sabi nila that to hold the Filipino audience, let’s reserve the storytelling to celebrities. Sila Gary Valenciano … ‘yung mga mukhang kilala ng mga bata. Pero nahihirapan silang kumuha ng mga celebrities so sa akin nalaglag. Sinubukan namin na maikli tapos nung nag-work pahaba na ng pahaba until naging segment ko na “Mga Kwento ni Kuya Bodjie.”

‘Yun dun ko natuklasan… maliit pa ako mahilig na ako sa kwento at mahilig akong magkwento. May panahon na storyteller ako dun sa bahay ng lola ko. For a time, tumira kami sa bahay ng lola ko sa Pasay, kasi nasunog yung katabi naming building at wala kaming kuryente. Compound yun so umabot sa punto na may mga bata akong na-gather sa sala ng Lola at nagkukwento ako sa kanila. Yung ganun. Wala pang “Batibot” nun. Parang Grade 6 ako. Parang meron na akong training sa pagiging storyteller na hindi ko alam. Tuwang-tuwa ako at ang mga pinsan konung naging storyteller ako sa”Batibot.”

How long were you with “Batibot”?

Nineteen eighty-four nagsimula, umalis ako ng 1988. Bumalik ako ng 1995 hanggang 2000.

When you left in 1988, what did you do?

There was a time na nag-produce kami ng sarili naming show sa GMA. Ang tawag “Bulilit.” Mahabang kwento yun. Merong mga taga “Batibot” na rebelde. Nagkaroon ng offer from GMA so kinagat namin ang offer. Tumagal din ng dalawang taon. Tapos theater, sa PETA. Nagsisimila na ako lumabas sa TV. Pa extra-extra, pa guest-guest. Mga peli-pelikula. Yung isa nga di pa ako bayad. (Laughs)

You’re an actor, you’re a storyteller… are there artistas who make you cringe with their performance?

Ganito… meron nang workshop group sa loob ng ABS-CBN. Minsan nagtuturo ako dun. Yung mga artista nila, pinapa-training ni Johnny Manahan. Sa ABS-CBN meron silang ganung consciousness na ma-improve yung acting ng mga artista nila. Kung di man sa Star Magic Workshops, meron silang hina-hire na mga acting coaches. Though, yes, some of them still make me cringe.

Sino sa tingin mo are good?

Bakit mo tinatanong sa akin yan? Pero, well, John Lloyd is very good …

What is the difference between TV and theater?

The way they do television here… walang masyadong time sa pag-develop, walang masyadong time na namnamin yung character although meron nang ganung consciousness… Minsan sinusubaybayan na kami ng direktor at ng staff para bigyan kami ng character arc. Pero para syang factory pa rin… parang jinejebs mo lang pag-arte mo. Ang hirap mag-prepare. Kaya bilib ako sa mga TV actors. Minsan, di mo rin sila masisisi kung bakit ang sama nila umarte kasi may mga situations na hindi sapat ang oras mag-prepare. Tapos minsan, nasa gitna na ng produkyon tapos nag-hit palabas mo, hahanap sila ng paraan para palabukan ang kwentona lumalayo na sya sa acting mo. Yung acting mo becomes stationary tapos pati ikaw nagsa-suffer.

When they’re good, like Judy Ann (Santos), may mga moments talaga na bibilib ka sa kanila. Ang bilis nilang magfocus. Tapos nasu-sustain nila yung moments nila kahit na minamadali sila kahit araw-araw may iba’t iba silang raket na ganyan. Ang dali-dali ng acting nila. Minsan nga nakakainggit. Bakit ang bilis umiyak ni Judy Ann? Dahil sa close-up, makikita mo yung lalim ng artista sa konting kilos, konting expression. I was in a scene with Jean Garcia. Ang galing-galing niya. Depende din sa direktor eh. Kulang pa tayo ng magagaling na direktor na magaling mag-handle at mag-guide. ‘Yung pelikula na kasama ko si Jean, ang galing-galing mag-motivate ng direktor.

Sa theater, siyempre may audience na malapit, may audience na malayo. Kailangan mong lakihan ang acting. Ang challenge: Paano ka magiging totoo pa rin kahit malayo ang tao. You have the luxury of rehearsal. You have the luxury of fine-tuning your role. Minsan tumatakbo na kayo, nababago mo pa. Minsa rin may danger na nasa kalagitnaan ng production, pagod ka na. Nawawalan na rin ng kulay so kailangan buhayin ulit.

You have an indie film, tell us about it.

“Pan de Salawal.” I consider it a fable for adults. Ang pinaka-central focus niya ay yung relationship na na-developbetween an older baker na sawa na sa buhay na gusto ng mamatay and this batang lansangan na naligaw sa kanilang neighborhood. Lahat sila may sakit. Yung bata merong special power to heal. Hanggang dun na lang. Dun nag-revolve ang story. It’s about… Ang problema ng karakter ko…

Ikaw si baker?

Yes. Ako si Sal. Gusto ko ng takasan ang sakit … ‘yung pain of existence. Fable siya… magical fable. So it is about pain, it is about relationships, it is about salt, it is about bread.

Did you audition, or was it offered to you?

It was offered to me pero dalawa kaming pinagpilian.

And you liked it because of the story?

Because of the character.

You still do storytelling workshops after all these years. Hindi ka napapagod?

Hindi. Kasi ang dami kong natututunan sa kanila. I think storytelling is important especially at this age when kids are losing touch of interpersonal communication.

Ano pa ang gusto mong gawin?

(Smiles) Simple lang pangangailangan ko sa buhay. Mapanood lahat ng magagandang pelikula na di ko pa napapanood, mabasa lahat ng magagandang libro na di ko pa nababasa at makapagbyahe. Pero siyempre kailangan ko ng pera to do that. At makahanap pa ng more challenging roles. Kung kailan pa ako tumanda tsaka dumating etong mga challengong roles. Ang sarap… katulad nitong role ko as Sal, kaya abangan nila.

TAGS: THE
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.