cdn mobile

Margielyn Didal binansagang legend sa Tokyo 2020 Olympics

By: Therese Arceo - Bandera | July 30,2021 - 10:53 AM

PINAMALAS ng 22-year old Cebuana skater na si Margielyn Didal ang true Filipino spirit noong irepresenta niya sa Street Skateboarding ang Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics.

Hindi man siya ang nakakuha ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha naman nito ang puso ng mga manonood hindi lang mula sa ating bansa pati na rin sa ibang sulok ng mundo.

Sa katunayan, binansagan siya na “legend” ni Luscas, isa sa mga social media personality mula sa Brazil.

Meron ring ibang netizens na nag-tweet kung paano sila naging invested kay Margielyn matapos mapanood ang Pinay skater.

Instant celebrity talaga ito dahil sa angkin nitong charisma sa madlang pipol. Para nga raw siyang naglalakad na good vibes. Positive lang kasi siya at hindi mo ito makikitaan ng bitterness sa mga kalaban. Lagi lang itong nakangiti na tila ineenjoy lang ang kanyang moment sa Olympics.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margielyn Arda Didal (@margielyndidal)

Isa pa sa mga rason kung bakit siya minahal ng netizens ay ang pagchi-cheer nito sa mga kalaban at pati na rin ang kanyang pagiging smiling photobomber sa mga pictures ng mga ito.

Viral rin ang litrato niya kung saan genuine na nakangiti ang skater at open arms na niyakap ang silver medalist mula sa Brazil na si Rayssa Leal.

Comment ng netizens, tila raw ang motto in life ni Margielyn ay “until it’s my turn, I will keep clapping for others”.

Nagpasalamat naman ang Pinay skater sa lahat ng sumuporta sa kanya nang makauwi ito kasama ang kaibigang si Hidilyn mula sa Olympics.

“My first Olympic was epic !!! God thank you for this blessing.

“Thanks to my family, gf, friends, and who supported me from the beginning and many more …….

I’m really bad at caption and I hate drama but DAGHANG SALAMAT (red heart emoji)

Hiniling rin nito na sana ay magkaroon pa ng magagandang skate parks sa Pilipinas upang maibahagi niya kung gaano kasaya ang sports na ito.

Hindi mo man nakamit ang inaasam na medalya, nakuha mo naman ang respeto at paghanga ng madlang pipol. Saludo ang buong Pilipinas say’yo, Margielyn! Isa kang inspirasyon na kahit ano man ang mangyari, manalo man o matalo, patuloy lang hanggang sa makamit ang matamis na tagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Margielyn Didal
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.