Showbitz

Ex-dyowa ni Rabiya nag-audition sa PBB; may hugot sa ‘corona’

SASABAK sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ang ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.

Si Neil ay kasalukuyang nurse at dapat ay magtatrabaho sa ibang bansa ngunit pinili na manatili sa Pilipinas upang manilbihan bilang frontliner.

Ayon sa kaniyang kumu video audition, nais ibahagi ng binata ang mga kuwento ng isang modern-day heroes gaya niya na nagtatrabaho bilang isang nurse sa kasagsagang pandemya.

Tila may hugot naman ang binata sa corona (virus), hindi lang sa nakakahawang virus kundi pati na rin sa korona sa mga beauty pageants.

“Nakakalungkot man na ma-isolate ng ilang buwan, mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona,” hugot ni Neil.

“Coronavirus at korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time for me to share my story,” dagdag pa nito.

Matatandaan na nitong Hunyo 2021 ay kinumpirma nila ni Rabiya na ang kanilang hiwalayan makalipas ang pitong taon ng pagiging magkarelasyon.

Mukhang marami rin ang nag-aabang kung makakapasok ba sa Bahay ni Kuya ang binata dahil curious rin ang mga netizens kung ano ba talaga ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil hindi rin naman madaling bumitaw sa pitong taon na relasyon.

TAGS: ex-boyfriend, Neil Salvacion, PBB, Rabiya Mateo
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.