ISANG linggo muna ang pinalipas ni Paolo Contis bago siya nagbigay ng official statement bilang sagot sa recorded video interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda noong Setyembre 1, 2021.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbigay ang aktor ng kanyang pahayag tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ.
Bago ito nangyari ay kaliwa’t kanan ang batikos kay Paolo at pati sa leading lady niyang si Yen Santos sa pelikulang “A Faraway Land” na sinyut noong 2020 sa Faroe Island, Kingdom of Denmark.
Nag-viral kasi ang larawan nila ni Yen habang nasa kainan sa Baguio City at ang video habang naglalakad sila patungo sa Manaoag Church.
Nitong Lunes sa radio program ni Nay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” sa Radyo Singko 92.3 News FM kasama si Rommel Chika ay kinumpirma nitong sina Paolo at Yen nga ang nasa video base sa source niya.
Black picture ang nakalagay sa dalawang post ni Paolo sa IG account niya kung saan niya sinagot isa-isa ang mga paratang sa kanya ng netizens base sa panayam ni LJ kay Kuya Boy.
“After lumabas ang interview ni LJ, katakot-takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.
“1. Drugs – Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.
“2. Third Party – Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.
“3. Yen Santos – She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano.
“4. Baguio – When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nu’ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.
“5. Lolit – Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo di ba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang nag-uusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry ‘Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni ‘Nay Cristy.”
Binanggit din ni Paolo sa nanay ng anak niyang si Summer na gusto niyang siya ang kumalinga rito, pero dahil wala pang pitong taong gulang ang bata kaya mananatili siya sa kalinga ni LJ.
At naunawaan daw ito ng aktor kaya pumayag siyang isama ang anak sa Amerika.
“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag-usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag-usapan pero sa amin na lang ni LJ ‘yun at sana respetuhin niyo ‘yun.”
Humingi rin ng paumanhin si Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz at sa mga anak nila dahil nadadamay sa gulo at sa nanay niya na labis na nag-aalala sa kanya.
“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.”
May mensahe rin ang aktor sa mga anak nila ni LJ, “To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.
“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry, I failed you.”
At kay LJ, humingi ng paumanhin si Paolo sa lahat ng mga nagawa niya at nangakong aayusin niya ang sarili, “To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.
“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”
Sa 4,000 comments na nabasa namin sa post ni Paolo ay wala kaming nabasang nakisimpatiya sa kanya bagkus ay abut-abot pa rin ang batikos sa kanya lalo na sa sinabi niyang “friend” lang niya si Yen gayung magka-holding hands daw sila habang naglalakad.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Yen Santos para maklaro na rin ang pangalan niya.