Showbitz

Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?

KUMAKALAT ngayon ang isang video kung saan makikitang magkasama ang hunk actor na si Marco Gumabao at sexy actress na si Ivana Alawi.

Ito ay mula sa Instagram story ni Ann Murphy kung saan makikita na nagkakasiyahan silang magkakaibigan. Sa kahilang dako ay makikita si Ivana na kumakanta, katabi si Marco na nakahawak sa kaniyang hita na parang wala lang sa aktres.

Marami tuloy sa mga netizens ang curious kung may namamagitan na nga ba sa dalawa.

“Friends lang sila, sure ako,” comment ng isang netizen.

“Bagay sila kung totoong sila,” sey naman ng isa pa.

“Suwerte naman nila sa isa’t isa kung sila nga, parehas silang yummy,” hirit pa ng isang netizen.

Sa aming pag-stalk sa IG account ng actor ay isang litrato ang nakaagaw ng aming pansin kung saan nag-comment si Ivana.

Ito ay posted pa noong Pebrero kung saan naka-topless ang aktor. Base sa comment ni Ivana, mukhang magkasama sila ng kunan ‘yon dahil ang sabi nito ay “Asan credits ng photog?” na agad sinagot ng aktor ng “excuse me like muna bago comment.”

Hindi rin naman ito ang kauna-unahang beses na na-link ang dalawa sa isa’t isa.

Napabalita rin noon na nanliligaw raw ang aktor sa sexy actress.

May mga nakakapansin rin na lumalabas si Ivana kasama ang mga kaibigan ng aktor.

Ngunit hindi naman ito inamin o itinanggi ng dalawa. Sadyang no comment lang sila.

Present rin si Marco sa mga nag-video greeting kay Ivana nang isorpresa ito ng pamilya sa kaniyang 2nd anniversary.

Well, kung totoo nga ang chika na maydyowa ang dalawa, ano kaya ang naging sey ni Marco sa viral reaction ni Ivana sa video greeting ni Joshua kung saan inamin rin ng aktres na super crush niya ito.

Pero in fairness, bagay naman sila talaga at kung true man ang chika ay wala ring problema dahil parehas naman silang single.

TAGS: IG post, Ivana Alawi, Marco Gumabao, single
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.