Showbitz

Jennylyn, Dennis ikinasal na, sumumpa sa isa’t isa: Forever, you and me!

IKINASAL na ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ngayong araw sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding.

Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang garden na sinasabing matatagpuan sa Quezon City. May ulat na bahagi raw ito ng pag-aaring studio ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sa isang litrato na kumalat sa social media makikita ang bagong kasal suot ang kanilang ternong white suit na nakaharap sa paring nagkakasal sa kanila.

Ang nasabi ring litrato ang makikita sa Facebook page ni Jen na kanyang ipinost ngayong araw na may caption na, “Forever, you (and) me.”!

Balitang mga malalapit na kapamilya at ilang kaibigan lamang ang imbitado sa kasal nina Dennis at Jennylyn bilang pagsunod na rin sa ipinatutupad na health protocols ng gobyerno.

Pinaniniwalaang malapit lamang sa bahay ng bagong kasal ang venue ng kanilang garden wedding tulad nga ng nabanggit ni Dennis sa isang panayam para hindi na magbiyahe ng malayo ang kanyang wifey.

Medyo maselan kasi ang pagbubuntis ni Jennylyn kaya ginagawa nila ni Dennis ang lahat para masigurong magiging healthy ang kanilang baby pati na rin ang maayos na kundisyon ng aktres.

Six weeks pregnant si Jennylyn nang ibalita nila sa mga magulang ni Dennis ang good news na talagang natuwa nang bonggang-bongga.

Kasunod nito, nag-propose na nga ng kasal si Dennis kay Jen noong Oct. 8 na naganap sa bahay ng aktres. Mensahe ng aktor, “Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito.

“Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon. Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko,” sabi pa ng Kapuso Drama King.

TAGS: civil wedding, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, wedding
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.