Celebrities

Beauty nakaligtas sa hagupit ng bagyong Odette, pinigilan ng ina na magpunta sa Siargao

Beauty Gonzalez at Dingdong Dantes

KUNG itinuloy ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ang pagpunta sa Siargao last month, siguradong inabutan daw siya roon ng paghagupit ng bagyong Odette.

Kuwento ng celebrity mom, talagang nakaplano na ang pagtungo niya sa nasabing isla na isa sa mga napuruhan nang manalasa si Odette pero biglang nagbago ang kanyang desisyon dahil sa kanyang nanay.

“I was supposed to go to Siargao, but I changed my mind kasi I remembered birthday ng mommy ko.

“So, sabi ng mommy ko, ‘Ba’t ka pupunta ng Siargao, pumunta ka muna dito sa Dumaguete.’ So, I went to Dumaguete,” pahayag ni Beauty sa virtual mediacon ng bagong installment ng Kapuso drama anthology na “I Can See You”, ang “Alter-Nate” kasama si Dingdong Dantes.

Naroon daw siya sa Dumaguete kasama ang pamilya nang bayuhin ng super typhoon ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Pero todo ang pasasalamat nila dahil hindi sila masyadong naapektuhan.

“Blessing in disguise, we were not that really affected like Siargao, but there are some places in Negros also that got affected.

“Yung farm namin, awa ng Diyos, yung bakod lang yung nasira, pero talagang naramdaman namin yung bagyo,” lahad pa ni Beauty.

Aniya pa, ligtas din ang mga tauhan nila sa kanilang farm, “I’m so happy, I was there also to help mga farmers namin and also the co-farmers and everyone else. But you know, we were blessed that it’s not as bad as Siargao.

“But still, they need help also, and until now kailangan pa rin… may mga places pa rin sa Negros na walang ilaw, walang tubig,” sabi pa ng bagong leading lady ni Dingdong na araw-araw daw ipinagdarasal ang lahat ng mga biktima ni Odette.

At dahil din sa bagyo ay hindi agad siya nakauwi sa Maynila, “Natagalan, kasi ang daming mga kahoy na natumba, madaming mga nasira talaga. Medyo na-shock nga ako, e.”

Ito rin ang rason kung bakit hindi siya nakasama sa Fluvial Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2021 noong Dec. 19, kasama siya sa official entry na “Huwag Kang Lalabas”.

“I felt bad na hindi ako nakasama nung sa parade ng Huwag Kang Lalabas na movie, at hindi ako masyadong naka-promo, kasi walang signal, wala talaga.

“Parang ang hirap. Parang bumalik ako sa panahon ng mommy na kapag nakipagkita ka, nandun ka talaga. Kasi, hindi mo matawagan yung kakilala mo, e. Wala akong ma-contact, e.

“It’s really a different kind of experience for me. But I’m happy that all of my family are safe and everyone… even the farmers are safe,” aniya pa.

Samantala, super thankful naman si Beauty sa mga bossing ng GMA dahil siya ang napili para bumida sa mini-series na “Alter-Nate.”

“I’m so happy. I’m overwhelmed. I’m so blessed. Sana nga, tuluy-tuloy lang talaga. Tuloy pa yung magandang projects. Sana magka-book two pa yung Alter-Nate.

“Actually, nabitin ako sa show namin. I’m very confident na with this show also it will be amazing and people will talk about it, kasi it’s an intelligent show, e. It’s very different from the usual.

“Ang dami na kasi, e. May drama, may suspense, may romantic, may action. And I’m very happy with everyone.

“Actually, I get excited talaga kapag maganda talaga ang script, e. It doesn’t matter pag mahaba yung istorya o maikli.

“What’s important is the quality of the story. I’m so blessed na binibigay nila sa akin ‘to. Daghang salamat,” chika ni Beauty.

TAGS: Siargao
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.