Celebrities Showbitz

Jason Hernandez trending dahil sa ibinanderang ‘mystery girl’, nagkabalikan nga ba sila ni Moira dela Torre?

Jason Hernandez, Moira dela Torre at si ‘Mystery Girl’

Jason Hernandez, Moira dela Torre at si ‘Mystery Girl’

TRENDING na ngayon ang litrato ng singer-songwriter na si Jason Hernandez kung saan may masama siyang babae pero hindi kita ang mukha.

Walang inilagay na caption ang estranged husband ni Moira dela Torre sa kanyang Instagram Story ngayong araw kaya kanya-kanyang hula ang mga netizens kung sino ang nasabing “mystery girl.”

Sa nasabing photo, makikita ang babae na nakasumbrero at itim na sleeveless habang nakayakap mula sa likuran ni Jason na all-out naman ang pagkaka-smile. Hindi kita ang face ng girl dahil natatakpan ito ng kanyang cap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May mga nagkomento na mukhang nagkabalikan na raw ang mag-asawa dahil feeling nila ang Kapamilya singer ang kasama at kayakap ni Jason sa litrato.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre sa paghihiwalay nila ni Jason Hernandez: I think my heart was prepared for it

Sabi ng ilang IG users, bukod sa katawan sa katawan ng babae, patunay daw na si Moira ang nasa photo ang singsing na suot nito. Ganitong-ganito rin daw ang singsing na madalas isuot ni Moira.

Ngunit agad na dinenay ng singer na siya ang kasama ni Jason sa litrato kaya hindi totoong nagkabalikan na ang nagkahiwalay na mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

May netizen kasi ang diretsahang nagtanong kay Moira kung siya ang nakayakap kay Jason, “Ikaw ba yung kasama ni Jason sa myday niya? Ayeeeeeh…sanaol my comeback.”

Ang maikling sagot sa kanya ni Moira, “Hindi po.”

Nu’ng huli naming nakachikahan si Jason sa presscon ng Kapuso primetime series na “The Write One” ay nabanggit niya na wala pa siyang bagong karelasyon pero unti-unti na siyang nakaka-move on sa paghihiwalay nila ni Moira.

‘Mystery actor’ ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much!

Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

TAGS: moira, Moira Dela Torre
Latest Stories
Most Read