NAGKAROON ng heart-to-heart talk ang TV host-actor na si Luis Manzano at ang ama nitong si Edu Manzano.
Sa YouTube channel ng “I Can See Your Voice” host ay nagkwentuhan ang dalawa na ngayon ay parehas nang ganap na ama.
Kung noon ay si Luis ang palaging nagtatanong sa mga guest nito, sa kanyang Father’s Day episode ay si Edu naman ang nagtanong sa anak.
Ang mga naging katanungan nito ay tungkol sa kanyang pagpapalaki at pagiging ama kay Baby Peanut.
Isa sa naging tanong ni Edu kay Luis ay kung magiging istriktong ama nga ba ito kapag mas lumaki na si Baby Peanut.
“There’s always two sides doon e. Sinasabi nila na kapag naging strict ka, mas magiging rebelde. There’s one na kapag you’re not strict, baka marami namang pwedeng mangyari,” panimulang sagot niya.
Ngunit may isang natutunan si Luis sa napanood niyang pelikula na “Father of The Bride” na ipinalabas noong 1995.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal
“Parang ganito ‘yung sinabi ni Steve Martin, something like this na ‘There will always be evil in this world. This world has the good and the bad but as a parent… they will have to experience the world, both good and bad. But one thing that you will always have fall back on is how you raise your child’,” sey ni Luis.
Dagdag pa niya, “Kahit ‘yung anak mo ma-expose sa pinaka-evil na meron sa mundo. If naka-engrain ka ng goodness sa anak mo, doon at doon siya babalik.”
Alam rin ni Luis na darating sa point na makagagawa ng pagkakamali ang anak niya tulad nilang dalawa ng ama pero nariyan pa rin siya para sa anak.
“I’m expecting Peanut to make mistakes but whatever mistakes will be made, I love you, and I will still do my best to raise you thre best way that I can that is same kay Jessy,” sey pa ng TV host.
Nang matanong naman siya kung anong edad maaaring tumanggap ng manliligaw ang anak, may pabirong banta si Luis.
“Kapag nag-aagaw buhay na siya,” pabirong sagot nito.
Pagseseryoso ni Luis, iba na raw kasi ang panahon ngayon.
“Before kasi nandyan ‘yung ‘pag college’, ‘pag naka-graduate’. Hopefully, high school, fingers crossed. It could be wishful thinking but sana mga high school if ever. That will be her first relationship,” sagot ni Lucky.
Ngunit paniguradong mahihirapan ang lalaking magtatangka sa anak ni Luis dahil sa dami ng butas na dapat nitong lusutan.
“Wala. Sa akin pa lang. Barkada ko pa lang. Kay Daddy pa lang. Kay Tito Ralph, wala. Walang makakalusot doon.
“Ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo, malabo-labo kayong makapasok ng bahay mo,” natatawang banta ni Luis.
Related nga Chika:
Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’