Life! Showbitz

Maureen Wroblewitz trending matapos ang pa-‘soft launch’, mga Marites nag-imbestiga

Maureen Wroblewitz

Maureen Wroblewitz | Bandera

MATAPOS ang tila pa-“soft launch”, palaisipan na ngayon sa mga netizens kung sino nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ni Maureen Wroblewitz.

Kaya naman todo hanap ang mga netizens ng mga “bakas” upang matunton nila kung sino ba ang maswerteng lalaki.

Ngunit hati ang pananaw ng netizens kung sino nga ba ang lalaki sa Instagram post ni Maureen.

May ilan na nagsasabing na baka raw nagkabalikan na sila ng singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo dahil may pagkakahawig raw ito sa binata.

May nagsasabi rin na baka ang lalaki sa larawang ipinost ni Maureen ay si Brandon Melo.

Si Brandon ay ang leading man ng beauty queen sa pelikulang “Take Me To Banaue”. Makikita rin sa Instagram page nito ang mga larawan nila together.

Ang isa naman ay ang model na si Noah Steinbuch na may lahing Pinoy at nakabase sa Los Angeles, California.

Chika ng mga netizens, noong araw na nag-flex si Maureen ng larawan ay birthday rin daw ng modelo.

Narito ang mga komento ng mga netizens:

“it’s @noahsteinbuch thank me later.”

“Notice how the guy in the picture has a small hoop earring @noahsteinbuch has it.”

“hindi naman kase yan ang tinutukoy ko si noah ang jowa nya ene be.”

“noah yan, costar nya lang si brandon.”

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon si Maureen ukol rito.

READ MORE:

Maureen Wroblewitz shares good new memories of Bohol

TAGS: celebrity, entertainment, showbiz
Latest Stories
Most Read